40

1.5K 16 0
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa katawan ni Regulus na nakahiga sa hospital bed at puno ng gasa ang katawan niya. Napatingin ako sa ulo niyang may bandage rin. Kinagat ko ang loob ng ibabang labi ko para pigilan ang muling pagtulo ng luha ko pero hindi ko iyon magawa.


Malaya na namang tumulo ang luha ko.


Marahan kong pinunasan ang luha ko. Kailangan kong magpakatatag. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok ang Mommy ni Regulus na naka-wheelchair at tulak-tulakni Tito na dad ni Regulus. Tumayo ako para salubungin sila. Bahagya akong ngumiti.


"G-Good evening po.." ani ko. Ngumiti rin sila sa akin. Alam kong alam na nila ang nangyari kay Regulus. Pumasok lang ako rito habang si Mama naman ay nasa labas para bumili ng pagkain. Si Dad ang kasama ngayon ni Chandria.


"Vien, iha. You're here..." nakangiting sambit ni Tita. Mahina na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya sa ilang taong nawala ako sa buhay nila. Inaya ko muna silang maupo kami, lalo na si Tito na blanko ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin kay Regulus. Bakas sa mga mata niya ang sakit at lungkot habang nakatingin sa anak niyang nakahiga sa hospital bed.


"What happened to you, Tita?" tanong ko.  Saglit niya akong sinulyapan bago siya tumingin kay Regulus.


"No'ng nawala ka Vienna, ang laki ng pinagbago ng anak kong iyan. Natuto siyang magbisyo, manigarilyo at higit sa lahat," tumingin siya sa akin. "Pumasok siya illegal na gawain, an underground things. He once almost killed a person. Binugbog niya ang taong iyon at hindi ko alam kung ano ang dahilan." saad ni Tita. Napalunok na lamang ako.


"Pati si Eloiza ay pinagbantaan niyang papatayin kapag lumapit pa sa kaniya pati na sa buhay niya. Pinakulong niya ito no'ng napatunayan niyang ito ang pumatay sa anak niyo. Ang akala ko ay tuloy-tuloy na ang gawain niyang iyon. Kung hindi pa siguro ako nagkasakit ay hindi siya titigil sa mga ginagawa niyang katarantaduhan noon. He told me he's sorry for what he did. Epekto raw iyon ng pag-iwan mo sa kaniya. Kinausap ko siya, Vien. I talked to him na mali ang ginawa niya. Ilang araw siyang nagmukmok sa kuwarto niya at iyak siya nang iyak. He became a cry baby when you left him. Doon ko nakita kung gaano siya kasising-sisi sa ginawa niya sa'yo at doon ko rin nakita kung gaano ka niya kamahal. He'sjust confused and indenial before. Alam naming may mali rin kami bilang magulang dahil pinangunahan namin noon si Regulus sa nararamdaman niya, pero hindi naman namin aakalaing nagbabago siya mula noong umalis ka sa buhay niya," tumikhim si Tita.


"Habang nag-aasikaso siya ng kompaniya ay inaalagaan niya ako. Katuwang niya ang daddy niya sa pag-aalaga sa akin. Na-stroke ako kasi ako, iha. Kalahati ng katawan ko ay wala ng buhay. Hindi ko alam kung tatagal pa ba ako.."


"Rain.." mahinang tawag ni Tito. Ngumiti si Tita kay Tito bago siya muling tumingin sa akin.


"Kaya noong kinuwento niya sa akin na bumalik ka na, sobrang saya ko iha kasi alam kong babalik na yung sigla ng anak ko. Nakita ko yung kislap ng mata niya iha noong kinuwento ka niya sa akin pati na ang tungkol sa anak niyo pala. Natuwa rin ako no'ng nalaman kong ikaw pala yung babaeng iyon na lagi niyang kinukwento sa akin na lagi raw nasa panaginip niya. Akala ko kasi ay ibang babae."


Pinunasan ko ang luha ko. "T-Tita, pasensiya na rin po. Pasensya na po kung bigla nalang akong umalis at hindi man lang nagpaalam sa inyo. Pasensya na po talaga." humihikbing sambit ko. Ngumiti si Tita sa akin bago hinawakan ang kamay ko at marahang hinaplos iyon.

Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon