21

1.6K 9 0
                                    

Hindi mapakali si Vien sa kakaisip sa asawa niya. Halos dalawang araw nang wala sa bahay nila si Regulus. Tinawagan niya na rin pati ang mga magulang nito pero pati ang mga ito ay walang alam kung nasaan ang asawa. Wala naman siyang natandaan na hindi nila pagkakaintindihan ng asawa niya kaya nagtataka siya kung nasaan na ito. She also tried calling him pero cannot be reached ang phone nito.

"Nasaan ka na ba Regulus?"

Nilagay ni Vien ang dalawang palad niya sa mukha matapos niyang makaupo sa sofa. Ilang segundo siyang tumagal doon hanggang sa nagdesisyon siyang maligo na muna. Hanggang sa pagligo niya ay naiisip niya ang asawa. Matapos niyang maligo ay pumunta siya sa human size mirror. Habang tinitingnan niya ang sarili, napansin niyang medyo may umbok na ang tiyan niya. Tumagilid din siya para tingnan ang isa pang anggulo pa ito. Then she caressed her tummy.

Napalunok siya nang bigla niyang naalalang naiba ang puwesto ng PT nang magising siya at wala na si Regulus sa tabi niya. Nakalagay na ito sa night stand. Sa tuwing naaalala niya iyon ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Sa tingin kasi ni Vien ay nakita na ito ng asawa niya.

"Baby, Mommy loves you.." mahinang sambit niya habang hinahaplos ang tiyan niya.

Matapos non ay nagbihis na siya ng damit. Lumabas siya ng kuwarto at dumiretso sa salas. Paalis na sana siya para puntahan ang tatay niya para sana magpatulong mahanap si Regulus, ay saka naman bigla namang bumukas ng pinto. Natigilan si Vien nang makita niya si Regulus na nakatayo sa main door ng bahay nila.

Napakaseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Medyo magulo rin ang damit ng asawa. "R-Regulus..." utal na wika ni Vien. Lumakad palapit sa kaniya ang asawa pero nanatili ang seryoso nitong mukha at malamig siya nitong tiningnan.

"Kumain ka na ba?" seryosong tanong nito. Parang nagsitayuan ang balahibo ni Vien sa katawan niya dahil sa malamig din nitong boses. Walang anumang emosyon.

Napatango si Vien. Kinakabahan siya. "Good," maikling sagot nito at tinalikuran na siya. Bago ito makalayo ay nagsalita naman si Vien. "S-Saan ka galing? Nag-alala ako sa'yo. Hindi ka man lang nag—" pinutol nito ang sasabihin sana ni Vien.

Nilingon siya ni Regulus. "Can you please shut up?! Do not ask questions! Pagod ako!" sigaw nito at biglang tumalikod sa kaniya. Padabog pa itong naglakad paakyat ng hagdan. Narinig niya rin ang malakas na pagsara nito ng pinto. Parang may kumurot sa puso ni Vien dahil sa ginawa ng asawa niya. Normal lang naman sigurong magtanong ng ganoong bagay lalo na kung matagal itong nawala sa bahay nila, hindi ba?  Nasaktan si Vien sa ginawa ng asawa niya. Bakit bigla nalang itong naging gano'n?

Umakyat siya sa taas para katukin ang saradong kuwarto ng asawa. "Regulus. Let's talk! Saan ka nanggaling?" she ask. Ilang beses na kinatok ni Vien ang pinto nito pero hindi sumagot si Regulus. Sinubukan niya ring pumasok pero locked na ang kuwarto nito. Napapikit si Vien. Mas nadadagdagan ang stress niya na hindi maganda para sa baby nila.

"Regulus, I'm so worried about you. Please talk to me..." mahinang sabi niyasa harap ng kuwarto ng asawa.

Gabi na nang lumabas si Regulus sa kuwarto. Naabutan niyang nanonood pa ang asawa niya kahit alas-dyes na ng gabi. Agad siyang lumapit dito. Pinanatili niya rin ang seryosong mukha niya. "It's not good for you. Matulog ka na," madiing sambit niya. Mukhang nagulat naman ito sa paraan pa lang ng pagtingin sa kaniya.

"A-Akala ko wala ka ng plano na lumabas sa kuwarto," wika nito matapos patayin ang TV. Bumaba ang tingin ni Regulus sa hawak na tray ni Vien. Napakunot ang noo niya nang makitang kumakain si Vien ng cheese rings.

Kinuha niya ito sa asawa. "Bakit ka kumakain ng ganito?!" napataas ang boses niya. Nakita niya ang dumaang sakit sa mga mata ng asawa. Alam niya iyon at nararamdaman niya, pero kailangan niya itong gawin. Nagtagis ang bagang niya at pinigilan ang sariling yakapin ang asawa.

Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon