35

1.6K 15 0
                                    

Vien's POV


Tahimik na nakaupo si Regulus sa tabi ng ama ko. Bahagyang nakayuko ang ulo nito at magkahawak ang mga kamay niya. Alam kong kinakabahan siya ngayon lalo na ngayong nasa harapan niya ang nga magulang ko. It's like, he's in a hot seat.


Bumuntong hininga ako at tumingin kay Dad. "Dad, bakit mo naman po kasi pinalo si Regulus?" nagtataka paring tanong ko. Naabutan ko kasing nagmumura si Regulus habang hawak ang binti niya at si Dad naman ay may hawak na stick habang yakap-yakap nito ang anak ko.


"Nagulat lang talaga ako, anak." Tulad ng kanina ay ito pa rin ang sinagot ni Dad sa akin. Huminga ako nang malalim. "Ma, kausapin mo nga si Dad." I said before I stand up. "Aalis na muna ako saglit. Pupuntahan ko lang po si Chandria sa itaas," saad ko. Nilingon ko si Regulus nang tawagan niya ako.


"Vien, huwag mo akong iwan dito," he said. His eyes is pleading. Animo'y naiiyak na bata siya. Binigyan ko siya ng isang ngiti at nag-thumbs up pa. Malakas ang ulan sa labas at mababasa siya kapag tumakbo siya palabas. Hindi niya rin ata dala ang phone niya kaya hindi niya matext ang driver niya. Bigla nalang kasing bumuhos ng pagkalakas-lakas na ulan kani-kanina lang.


"But, Vien."


Hindi ko na kinausap pa muli si Regulus. Dumiretso na ako sa dating kuwarto ko kung saan nagpapahinga ang anak ko. Kahit na nandito na kami sa Pilipinas ay hindi ko pa ring hindi maisip yung ginawa ni Walter sa anak ko. Pagsisihan niya iyon. Alam ko ring nagtataka ang mga magulang ko kung bakit kami biglang napauwi rito sa Pilipinas. But I want to rest first. 


— — —


Regulus POV


"So, ang tanong ko ulit sa iyo Mr. Vallega, bakit nandito ka? Bakit kasama mo ang anak ko? Hindi ka man lang ba nagkaroon ng konsensiya at matapos mo siyang buntisin ay iiwan mo basta-basta? Hindi ka man lang nagpakita sa kanila ng anak nyo?!"


I gulped. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Tito, or should I say, Mr. Flamean. Tumungo ako at tiningnan sila ng asawa niya. Magkatabi sila at halatang pinapakalma ni Tita—Mrs. Flamean ang asawa niya.


"Kumalma ka muna. Naku! Ang puso mo!" wika ni Tita bago tumingin sa akin. She smiled at me.


"Actually Regulus. Napatawad ka na namin, matagal na. Pero alam kong itong asawa ko, ay biglang binawi ang pagpapatawad niya sa'yo. You got our daughter pregnant again. Tapos hindi ka man lang nagpakita sa kaniya? Bakit, anak?" malumanay na tanong ni Tita. Napalunok muli ako.


For fucking sake, wala akong maalala sa pinagsasabi nila!


I smiled awkwardly. "Uh, Mr. and Mrs. Flamean, wala po akong maalala na nabuntis ko po ulit si Vien. I swear to God!" saad ko at itinaas pa ang kanang kamay ko.


Napakamot si Mr. Flamean sa ulo niya. "Kung wala ka talagang maalala, mabuti nalang at nagpa-imbestiga ako kung sino ang nakabuntis sa anak ko. Ngayong alam mo nang may anak ka ulit sa anak ko, sustentuhan mo ba si Chandria?"

Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon