03

1.8K 22 0
                                    

This is their first day as a husband and wife. Maagang nagising si Regulus para sana magluto ng kakainin nila. Alam niya namang hindi pa marunong magluto ng heavy breakfast kaya siya na muna ang gagawa non. Mas prefer niya kasi ang heavy breakfast para may lakas siyang magtrabaho.


Baka kasi puro fried rice, hotdogs, sunny side up eggs lang ang maging pagkain niya tuwing umaga kapag si Vien ang ipapaluto niya ng umagahan nila.


Tumayo na siya at pumunta sa banyo para gawin ang morning routine niya. After he did it, dumiretso na siya palabas ng kwarto. He's wearing a boxer short and white sando. Bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa kusina pero laking gulat niya nang makita niya si Vien na nandoon. Nauna pa itong magising kaysa sa kaniya?


Naabutan niyang nagluluto ang babae. Hindi man lang nito naramdaman ang presensiya niya. Ganito na ba ito kamanhid? Pinasadahan niya ng tingin ang likuran nito.


"Not bad," he said in his mind.


Maganda naman ang katawan nito. Vien has a firm butt and a curvy body. Mahaba rin ang nakalugay na tuwid nitong buhok. Napalunok siya. Ngayon niya lang napansin iyon. Ang huli kasi nilang pagkikita ay matagal na. Payat pa si Vien at batang-bata ang katawan.


Hindi niya naman magawang masisi si Vien sa kagustuhan ng mga magulang nila, ang kaso lang. Napansin niya na parang wala lang sa babae na ipapakasal na sila noong nagkita sila para i-announce ang tungkol sa kasal nilang dalawa.


Iyon ang pinagtataka ni Regulus. Ang akala niya ay aayaw si Vien sa kagustuhang mangyari ng parents nila pero nanahimik lang ito.


Hindi man lang siya nakarinig ng pagtutol. Nakayuko lamang si Vien habang nag-uusap ang mga parents nila about sa kasalang mangyayari samantalang siya, parang sasabog na bulkan sa sobrang inis at galit. Lumalabas tuloy na parang gusto ni Vien ang kasal na kagustuhan ng mga magulang nila.


"H-Hi? Good morning."


Nabalik si Regulus sa reyalid matapos marinig ang boses ni Vien sa hindi kalayuan. Nakapantulog pa rin ito. He look at her face. Napangiwi ito nang makita siya pero kalaunan ay binigyan siya nito ng ngiti. She's indeed gorgeous while smiling. May maliit itong nunal sa ilalim ng kanang mata. She has a brown hooded eyes and a natural pink thin lips. Mamula-mula rin ang pisngi nito.


"D-Do you want u-uhm coffee?" nauutal na tanong ni Vien sa kanya. Hindi makasagot si Regulus, nakatingin lang siya sa mukha ng babae. Hindi niya inakala na lalaking ganito kaganda ang kaibigan niya noon na payat at lagi pang may bangs. Malayong-malayo sa Vien na kilala niya noon.


Bangs bangs pa, hindi naman bagay sa kaniya.


Nawala ang ngiti ng babae at lumapit sa kanya. "Hey!" nabalik sa reyalidad si Regulus nang pumalakpak si Vien sa harapan niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na ito.


"What happened to you?" Vien frowned.


"N-Nothing," siya naman ang nauutal ngayon at umiwas ng tingin. Pumunta siya sa kitchen at nanlaki ang mga mata niya dahil sa malapit nang masunog ang hotdog na niluluto.

Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon