"Vien, here's your milk."
Natigilan sa pagtitipa si Vien nang iabot sa kaniya ni Regulus ang isang basong gatas. Saglit siyang tumingin dito bago kinuha iyon. Binalik niya muli ang tingin sa laptop niya. She's busy sa pagre-review ng files ng company nila. Kanina rin ay nakausap niya ang tatay niya tungkol doon.
Umupo sa harapan ni Vien si Regulus na magkasalubong ng kilay. Hindi maganda ang umaga niya dahil kay Vien. Masarap kasi ang tulog niya pero ginising siya ng asawa para lang ipagtimpla ito ng gatas.
Dahil doon ay kumain nalang din tuloy sila para makapunta na rin sila sa supermarket. Kailangan na ulit nilang mag-refill ng pagkain at essentials nila. Hindi kasi nila natuloy ang pagpunta kahapon doon dahil sa tinatamad daw si Vien. "Thank you, hubby." Vien said that made Regulus stunned.
Tumingin siya sa asawa na nagt-type sa laptop nito. Mukha namang napansin siya ni Vien dahilan para umangat ito ng tingin. Ngumiti siya bago tinanong ang asawa. "Bakit?" nakangiting tanong niya. Ilang segundong natulala si Regulus bago siya umiling-iling. "W-Wala," aniya.
Kumibit balikat si Vien bago binalik ang tingin niya sa laptop. Si Regulus naman ay pumunta na muli sa labas para ipagpatuloy ang pagdidilig ng halaman. Nang matapos na silang dalawa sa ginagawa nila ay saka sila umalis.
Alas-otso na sila nakarating sa supermarket. Madami-dami na rin ang tao. Si Vien ang namimili habang si Regulus ang may tulak-tulak sa cart. Biglang tumigil sa pagtulak ng cart si Regulus matapos niyang makita ang mga inilagay doon ni Vien.
"What will you do to that boxes of milks and I thought you hate broccolis?" takang tanong ni Regulus. Nilingon siya ni Vien bago tumingin sa mga nakalagay sa cart. "Gusto kong uminom niyan, and yes. I hate broccolis but, they're cute so I bought them." kibit-balikat na sagot ni Vien bago ito muling naglakad. Napataas ang isang kilay ni Regulus habang sinusundan niya ng tingin ang asawa.
"Huh?" hindi makapaniwalang tanong ni Regulus. She just bought them because they're cute?
Hindi pa rin siya makapaniwala at sinundan nalang ang asawa. Nang matapos na silang mamili ay nagbayad na sila. "Here's your change ma'am," sabi ng cashier. Hinintay ni Vien na makuha ni Regulus ang pinamili nila saka sila sabay na lumakad paalis.
"Regulus... three days pala akong mawawala. Pupuntahan ko si Daddy," biglang wika ni Vien habang nasa sasakyan sila. Nilingon siya saglit ng asawa bago bumalik ang tingin sa daan. "For what?" Regulus asked.
"I decided na tumulong nalang sa kompaniya namin instead na magpakabulok ako sa bahay natin. I find it so boring, Regulus. Isa pa, dad called me a while ago, he said that he needs me now. Stress na rin daw siya kaya kailangan niya na talaga ako," sagot ni Vien. Tumango-tango si Regulus.
"Kailan ka pala aalis?" tanong muli ni Regulus. Pero huli na, bago pa niya mapigilan ang sarili ay naitanong niya na iyon kay Vien. May balak na siyang layuan ang asawa pero hindi niya magawa. Something is stopping him to do it.
"Bukas na." sagot nito. Hindi na muling umimik pa si Regulus. Baka kung ano namang maisabi niya sa asawa.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...