Simula

86.3K 1.6K 1.3K
                                    

SAMANTHA

"Dalawa lang naman ang anak ni Sir at Ma'am, Si ma'am Aerin at Ma'am Aeris. Si Ma'am Aeris, lumipat na ng condo unit nya, si ma'am Aerin naman ay may sariling bahay pero madalas ay dito pa rin talaga umuuwi." Tumatango tango lang ako sa sinabi ng matandang sumama sa'kin.

Ngayon ang unang araw ng pamamasukan ko sa mansion ng mga Quinn, sa sobrang laki talaga ng bahay nila ay kakailanganin nila ng maraming katulong.

Ang trabaho ko lang naman ay ang panatilihing malinis ang bawat guestroom, at nakatoka rin sa'kin na linisin kada dalawang araw ang kwarto ni Ma'am Aerin. Ang panganay ng mga Quinn.

Nakita ko na ang mga ito, sa malaking picture frame na nakasabit sa sala, iyon na yata ang pinaka magandang pamilyang nakita ko sa buong buhay ko. Walang maipipintas. Lahat ay may kanya kanyang ibubuga, lalo na iyong bunsong anak ng mga Quinn.

Si ma'am Aeris. Sobrang seryoso lang na nakatingin sa camera, pero yung appeal nito ay ramdam na ramdam ko, habang yung panganay naman na si Aerin ay may mapaglarong ngisi sa labi.

Sa hilatsa pa lang ng itsura alam mong maloko na. Pero sobrang ganda rin nya, magkamukha lang sila ng kapatid, maaliwalas nga lang tingnan ang mukha nya dahil sa lahat ng picture, parang ang lawak ng ngiti nito.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng lumang bag na suot. Hanggang elementary lang ang natapos ko, hindi ko na nagawa pang mairaos ang highschool dahil sa hirap ng buhay.

Bukod sa ako ang panganay sa magkakapatid ay ako na lang rin ang inaasahan ng pamilya.

Masyado kasing marami kung mag anak si nanay, biruin mo iyon. Naka sampu sya, sa iba't ibang lalaki pa. Pero kahit ganoon ay ipinagpapasalamat ko pa rin na sila ang naging pamilya ko.

Mahirap pero masaya.

Kahit na umaabot ako sa puntong kung ano anong trabaho na ang pinasok ko, hindi na rin ako nakapag tapos ng pag-aaral dahil mas pinili kong tumulong sa paghahanap buhay.

Kaya nga laking gulat ko ng may pumuntang lalaki sa bahay sakay ng isang magarang sasakyan, nagpakilalang family lawyer raw ng mga Quinn at sinabing inaalok ako ng trabaho.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Tanong ng matanda, pumasok kami sa tinawag nyang maid's quarter. May kalakihan ito, dalawang katulong sa isang kwarto.

Air-conditioned rin kaya hindi mainit.

"Bente po." Malapit na rin naman akong mag bente uno.

Ang sumunod sa'kin ay si Sandy na labinsiyam na taong gulang, si Joy na seventeen, si Marco na desisais, kinse naman si Udong, labing tatlo ay si Kerko na sinundan ni Riri na labing dalawang taong gulang. Sampung taong gulang naman si Angie, limang taon si Boboy at ang bagong silang naming kapatid na si Shajayah.

Kaya ko rin naisipang mamasukan dahil hindi pa kakayanin ni mamang mag hanap buhay, mas mabuti pang alagaan na lang nya si Shajayah at ako na ang bahalang bumuhay sa kanila.

"Ang bata mo pa, ito nga pala ang magiging kwarto mo. Ayan so Loila, ang makakasama mo sa kwarto." Tipid na ngiti lang ang ibinigay sa'kin noong Loila kaya payat ko rin itong nginitian.

"Sige po." Inilapag ko sa ibabaw ng maliit na kama ang bag ko.

"May dirty kitchen rito na nakahiwalay sa bahay, doon kumakain ang mga kasambahay, huwag na huwag mong subukang kumain sa pinagkakainan ng mga Quinn." May pagbabanta sa boses ng matanda kaya sunod sunod akong napa tango.

"Si ma'am Aerin lang ang tao ngayon rito, pwede ka ng mag simula mamaya. Paki palitan ng bedsheet ang kama noon at baka mag reklamo na naman." Kadarating ko lang galing sa halos syam na oras na byahe tapos trabaho agad?

Owning Her [Side Story] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon