SAMANTHA
[Ate..]
Boses ni sandy ang bumungad sa'kin. Ngayon na lang ulit ako naka tawag sa kanila, ngayon lang ako nagka load e'.
Gamit ko yung luma kong cellphone, yung keypad na ilang taon na sa'kin.
"Kamusta kayo riyan?" Isang linggo na simula ng makauwi kami sa pilipinas. Pag dating ng gabi kasi ay kumain lang kami at saka pumuntang airport.
Wala na kaming ibang pinuntahan dahil kapos kami sa oras, nag sabi lang si ma'am Aerin na babalik kami roon para mag bakasyon na.
Pero simula rin noong naka uwi kami ay parati ng busy si ma'am Aerin, sa gabi na lang kami nag kikita, minsan pa ay maliligo lang ito at saka matutulog na. Sobrang pagod siguro, nakakapanibago rin na hindi ito nangungulit.
Minsan pa nga ay hindi na ito umuuwi ng mansion tapos malalaman kong sa bahay nya pala tumuloy. Parati na ring nandito yung kapatid nyang si Ma'am Aeris.
Dito na rin ako ulit natutulog sa kwarto nya sa mansion dahil tinakot nya akong mag hanap na raw ako ng ibang amo kapag hindi ko sya sinunod.
[Ayos naman ate, malaki na si baby.] Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, iniwan ko kasi ito padalawang linggo pa lang, ngayon ay ilang buwan na.
"Mabuti naman, si nanay? Yung mga kapatid mo? May pera pa ba kayo? Sabihan mo si nanay na huwag ng mag trabaho a' kako alagaan na lang kayo at asikasuhin ang pag aaral nyo, si baby Shajayah sandy, alagaan nyo." Nakaramdam ako ng pangungilila sa kanila.
Ito kasi ang unang beses na nalayo ako sa mga kapatid ko, panay raket lang ako sa pang araw araw para may maipakain ako sa kanila.
Nakakapanibago lang na malayo sa pamilya.
[Ayos kami rito ate, saka linggo linggong may dumarating na supply ng groceries sa sa'min. Pati kami ay inilipat ng private school. Sabi kasama raw iyon sa kontrata na pinirmahan mo.] Agaran ang pag kunot ng noo ko saka inisip ang kontratang ibinigay sa'kin.
Wala namang ganon.
Sa naaalala ko ang sinasabi lang roon ay ang mga benefits, at wala akong naalalang may nakalagay tungkol sa pag bibigay ng mga supply at pag papa-aral sa mga kapatid ko.
"Ha?" Gulat kong tanong.
[Oo ate, wala nga rin kami sa bahay. May dumating kasing mga lalaki noong isang buwan, sabi ipapaayos raw yung bahay natin kaya nilipat muna kami sa Sunset Vista.]
Sunset vista, isang high end apartment sa lugar namin, dito natutulog ang mga foreigner o mga pinoy na nagbabakasyon sa probinsya.
Sobrang mahal ng isang gabi roon tapos..
"Nag kasya kayo sa iisang kwarto?" Hindi pa rin naaalis ang gulat sa'kin.
[Hindi ate, limang kwarto yung inukupahan. Dalawa kada isa. Ang ganda rito ate, full air-conditioned.] Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi ng kapatid ko.
May ideya na ako kung sino ang may gawa nito, at sana umuwi sya mamayang hapon dahil talagang hindi ko palalampasin ang ginawa nya.
Kaya nga ako nagtatrabaho para may maipangtustos sa pamilya ko tapos malalaman kong may ibang bumubuhay na pala rito.
Aagawan nya pa ako ng pamilya.
[Ate..]
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
Fiksi UmumQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)