SAMANTHA
"Uhm, Sam?" Nilingon ko si ma'am Aeris, noong isang linggo pa ito nandito sa bahay nila, pero yung ate naman nya ay hindi ko alam kung nasaan.
"Bakit po ma'am? May iuutos po ba kayo?" Galing kasi akong labas, sa malawak nilang garden, gustong gusto ko talaga ang mga halaman nila roon. Napatagal nga lang dahil nakipag usap pa sa'kin si Kristofer, na isa sa mga hardinero ng mga Quinn.
"No, wala na kasi yung spare key ng room ni ate kay nanay Flora, D'you have it?"
Pa dalawang linggo na kasing hindi umuuwi ng bahay si Ma'am Aerin, sabi naman ng mga tao rito sa bahay ay nasa New York City raw, may convention na dinaluhan.
Hindi ko lang alam kung kailan ito umalis, basta ng hapon na iyon ay inuwi nya lang ako rito sa mansion nila at umalis na sya.
Tapos nalaman ko na lang na nasa ibang bansa na pala sya.
"Ito po oh." Inabot ko kay ma'am Aeris ang susi ng kwarto ni ma'am Aerin. Simula kasi ng sa kwarto na ako nito matulog ay ako na rin ang humawak ng spare key ng kwarto nya.
"Thanks, may kukunin lang ako." Tumango ako bago nag paalam na aalis na muna, tutulong lang ako sa mga tao rito.
Noong nawala kasi si ma'am Aerin ay parang naging all around na ako dahil ibinalik kay Loila yung trabaho na dapat ay para sa'kin.
Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung saan ako tutulong.
Tumungo akong kusina kung saan nag luluto ng pag kain para sa mga trabahador, parating may hugasin rito e' pero nagulat ako ng pag pasok ko ay wala na. Sobrang linis na.
"Nalinis na nila Sunny yan, tulungan mo ko rito Sam." Sa sobrang dami namin rito ay kakaunti pa lang ang nakaka usap ko. Yung iba kasi parang may galit pa yata sa'kin.
Tinulungan ko si Andy sa pag bubuhat ng mga tray na punong puno ng pagkain.
"Saan ba ito?" Tanong ko.
"Doon sa kubo." May malaking kubo kasi rito, parang modern cottage pero kubo ang tawag nila.
May malaking lamesa sa gitna at doon kumakain ang mga trabahador, mostly ay yung mga Guards and gardiners nila.
Pag dating namin roon ay halos puno na ang kubo, yung pagkain na lang talaga ang hinihintay nila.
Lumapit sa'kin si tope at kinuha ang dala ko, sabi ko nga kaya ko na kaso makulit sya.
Ilang araw na rin syang straight na naka duty tapos parating nakiki chismis sa'kin. Minsan nga natatakot na ako dahil baka makita kami at mapagalitan pa.
Nasa garden lang naman ako para tumulong alagaan yung mga halaman ng mga Quinn, at hindi para makipag-usap sa kung kanina. Pero minsan masarap rin kausap si Tope.
Ang galing nya kasing mag patawa, minsan ko ng nai-kwento sa kanya ang estado ko sa buhay, seryosong usapan pero nagawa nya akong patawanin.
"Kumain ka na ba, Sam?" Umiling ako. Maaga pa naman kasi.
"Sabay ka na sa'min." Ngumiti ako sa ibang Guards na kumakain na, nakakamay lang sila. Hilig nila ang ganyan'. Maging si Tope nga, kahit ako. Masarap kasing kumain ng nakakamay lang.
"Hindi na, sasabay na lang ako kayna Andy." Aalis na sana ako ng hawakan ako sa braso ni Tope, yung kamay nyang malinis.
"Pabalat naman ng saging Sam oh, may kanin kasi yung isa kong kamay." Tumango ako bago inabot ang isang saging at binalatan, saka ko binigay sa kanya.
"Hoy Tope, bata pa yang si Sam." Saway noong pinaka matanda sa kanila. Nag tawanan lang ang mga nakarinig, maging si Tope.
"Wala naman akong ginagawa, manoy."
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
Fiction GénéraleQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)