SAMANTHA
"Why are you here?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa kung saan si ma'am Aerin.
Maaga pa naman, alas sais, kadalasang gising nito ay alas syete ng umaga kaya nga nakakagulat na makitang nandito ito sa labas ng bahay, sa mismong bakuran.
"Nag didilig ng halaman, ma'am." Nag punas ako ng kamay dahil baka may dumi pa ito. Nakita ko kasing ang gaganda ng mga halaman nyang nakatanim rito.
"I hired someone to take care of that, stop it." Umiling ako.
"Nandito naman na po ako--"
"You take care of me and not that goddamn plants." Lumapit ito sa'kin saka ako hinila sa braso papasok sa loob ng bahay. "You don't have to worry about it. Kapag nakita kong inuna mo pa 'yun kaysa sa'kin ipapatapon ko ang mga iyon, Samantha." Alam kong hindi sya nag bibiro.
Pina upo ko ito sa dining at ako naman ay nag handa ng kakainin nya.
"Sayang kaya iyon, ma'am. Ang gaganda pa naman." Inilapag ko ang kapeng paborito nyang inumin tuwing umaga.
"Mas maganda naman ako." Natawa ako sa sagot nya, hindi na lang ako sumagot dahil totoo naman kasi.
Walang kasing ganda.
Mas masarap pa nga syang alagaan kaysa sa mga halaman na iyon.
"Eat me." Bigla nitong sabi, napakurap ako ng ilang beses.
"Ma'am?"
"Eat with me." Inusog nito ang platong puno ng vegetables salad, marunong na akong gawin yan. Natutunan ko dahil iyon madalas ang kainin nya, bukod sa Soft boiled eggs and corn.
Bihira lang itong kumain ng kanin, minsan pa nga ay kapag nagluluto ako ng ulam ay iyon lang ang kinakain nya. Kung hindi ko pa susubuan ng kanin ay hindi talaga kakain.
"Kumain na po ako." Nauna na kasi ako dahil sobrang aga kong nagising.
Sumimangot naman ito pero hindi na nagsalita, sumubo lang ng ilang subo at tumayo na bago nagpaalam na maliligo.
Naiwan naman ako para linisin ang kinainan nya, matapos mag linis ay bumalik akong kwarto para maligo.
Alam ko kasing hindi na naman nya ako iiwan rito sa bahay, isasama na naman nya ako sa office nya.
Napapakamot na lang ako sa pisnge habang nag hahanap ng masusuot, dumating na kasi yung mga pinamili nya na sobrang dami talaga at halos lahat ay dress pa.
Maraming sapatos rin pero karamihan ay flats, tatlo lang yata yung stiletto.
Sa huli ay mas pinili kong isuot yung itim na dress na umabot hanggang tuhod ko, sumasabay ang manggas nito sa tuwing lilingon o gagalaw ako.
Nag suklay lang ako at kaunting pulbos bago lumabas ng kwarto.
Ang nakangiting mukha ni ma'am Aerin ang nabungaran ko sa baba.
Agad nya akong hinapit palapit sa kanya at pinatakan ng masuyong halik sa pisnge.
"Pretty." Bulong nya bago ako pinakawalan at nauna ng lumabas.
Simula rin ng dito na kami natutulog sa bahay nya ay sya na ang nagmamaneho, hindi ko na rin nakikita yung dalawa nyang body guard. Sanay na sanay na nga ako sa kalandian nya, hinahayaan ko na lang.
Basta sa tuwing ginagawa nya iyon ay iniisip ko na lang na walang malisya, dahil pareho naman kaming babae.
Ganon rin naman kasi ang mga nakikita ko noon sa TV, nag hahalikan sila sa pisnge bilang pag bati, siguro ganon lang rin si ma'am Aerin.
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
Ficción GeneralQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)