Kabanata 13

55K 1.6K 885
                                        

Warning: R-🔞. Read at your own risk.

SAMANTHA

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sinabi sa'kin ng parents ni ma'am aerin na sumama ako sa family dinner nila. Ngiting ngiti pa nga ang kasama ko at agad akong inaya papunta sa kwarto nya.

Nahiya naman akong mag stay pa sa baba kaya sumama na ako.

"You don't have to be that straightforward, yah'know." Pagsasalita nya habang nag hahanap ng masusuot.

"ha?" hanggang ngayon kasi ay parang lumulutang pa rin ang isip ko, akala ko talaga ay strikto ang parents nya pero mababait naman pala.

Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganon sila umakto. Hindi ba sila magagalit? Wala ba silang sasabihin pa tungkol sa'kin? Yun na iyon? Welcome at biglang kasama na ako sa family dinner?

"hey." Nagulat ako ng makitang nandito na agad sya sa harap ko. Umatras ako pero agad ring napigilan ng braso nyang mahaba at malambot.

"ma'am.."

"Nasaktan ako.." mahinang bulong nya habang dahan dahang idinadantay ang pisnge sa balikat ko. Umiwas ako ng tingin ng tuluyan na ako nitong yakapin. "at the same time napahiya." Humigpit ang yakap nito sa'kin.

"You can reject me anytime you want, but please baby...not in front of my family." Tuluyan akong nag sisi dahil sa sinabi nya. Hindi ko naman talaga balak na sabihin iyon, maging ako nga ay nagulat ng bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.

"Nasasaktan rin naman ako, Sam." Niyakap ko na rin ito, mas lalo nya lang idinikit ang sarili sa'kin.

"Ma'am, sor--"

"Please don't say that. You're not responsible of it. I am hurting because I choose to. I choose to love you and I must be brave enough to face lots of rejection from you.." Humiwalay ito sa'kin ng yakap. Nakatingin lang ako sa kanya.

"kapag hindi ikaw ang para sa'kin, huwag na lang Sam. I'd rather die alone. Sayo ko lang kasi naramdaman ito. Funny how I got jealous of my sister and her lover, because I never had a chance to met mine, puro lang laro para sa'kin. Iyon pala yung para sa'kin nag titinda pa ng beki at summon that time."

Gusto ko sana syang i-tama sa sinabi nya pero wag na lang, panindigan nya na lang ang beki at summon nya. Maganda naman sya kaya ayos lang na mag mukha syang tanga kahit minsan.

Dahan dahan ko itong inlayo ng bahagya sa'kin, umiiyak na naman sya ng dahil sa'kin at nasasaktan ako. Nasasaktan akong makitang nasasaktan sya lalo na kung ako ang dahilan.

"Huwag ka ng umiyak, ma'am.." Napangiwi na lang ako ng imbes na tumigil ay lalo lang itong naiyak.

"Hindi nga ako napagod na hintayin yung taong magpaparamdam sa'kin ng ganito, ito pa kaya. C'mon Sam. Reject me all you want, pero sa'kin pa rin ang bagsak mo."

Hindi ko tuloy alam kung maiiyak na lang ako o matatawa dahil walang tigil kaka tulo ang luha nito pero tumatawa naman. Nakakabaliw ang babaeng ito.

"G-gusto rin naman kita." Hindi ito nagulat sa sinabi ko. Tumango lang sya.

"I know." Saad nya bago ako tinalikuran. "but I want your love, not just like nor infatuation. Ayoko non."

Sinundan ko ito sa loob ng closet.

"Pero ma'am Aerin." Nag 'hmm' lang sya pero hindi ako nilingon.

"W-wala po pala." Nauna na akong tumalikod at saka umalis ng kwarto nya. Pag labas ko ag saktong pag labas rin ni ma'am Aeris, ngumiti sya ng bahagya kaya ngumiti na rin ako.

Owning Her [Side Story] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon