SAMANTHA
"Baby.."
"Sweetheart."
"Hun.."
"Honey.."
"Sweetie?"
"Samantha!!"
"Ma'am?" Mula sa binabasang libro ay tiningnan ko si ma'am Aerin na kanina pa kakatawag sa'kin ng kung ano ano, nakasimangot ito at mukhang masama na naman ang timpla.
"Hold my hand." Sinunod ko ang sinabi nito, gamit ang kanang kamay ay hinawakan ko ang kaliwang kamay nya.
Ngiting ngiti naman syang nagpatuloy sa ginagawa.
Nasa office nya kami, ilang araw na rin simula ng isama nya ulit ako papunta rito. Doon na rin kami tumutuloy sa bahay nya, at minsan lang kaming umuwi sa mansion.
Magkahawak ang kamay naming dalawa habang sya ay nag babasa ng kung anong mga papel na ibinigay sa kanya kanina, ako naman ay dala ang isang libro na binili pa nya noong nag aya syang pumuntang book store.
Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang pumasok ang secretary nya.
Natigilan ito at agad na bumagsak ang mga mata sa magkahawak naming mga kamay, pilit kong binabawi ang kamay ko kay ma'am pero hinigpitan nya lang ang hawak nya rito.
"Ma'am, I'm sorry to interrupt pero nasa labas po ng building si Sir. Harold.." kumunot ang noo ng kasama ko, nag iwas naman ako ng tingin.
"Why is that?"
"Hinahanap ka po nya." Naramdaman ko ang pag pisil nito sa kamay ko.
"Tell him--" hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng malakas na bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking tila galit na galit.
"Aerin. What the hell is that all about? After you dumped me you'll withdraw your share in our company? How dare you, 'you bitch." Galit na galit ito na kulang na lang ay saktan ang babaeng katabi ko.
Pero parang wala lang sa kanya na halos mag wala na ang kaharap, prente lang itong naka upo, sopistikadang nagpandikwatro pa at saka mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Wala syang sinabi, pero maya maya pa ay sunod sunod na nagsipasukan ang mga guards at kinaladkad ang lalaking ngayon nga ay nag wawala na.
"You will pay for what you did, Aerin. Inatake ang papà dahil sa kagagawan mo. You'll pay for this!!" Kinakabahang tumingin ako kay ma'am Aerin na ngayon ay naka kunot na ang noo.
Parang iniisip rin nito ang sinabi ng lalaki pero maya maya pa ay biglang ngumiti at hinarap ako.
Hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa, hinalikan lang naman ako nito sa labi pero mabilis lang.
Parati nya ng ginagawa yan simula ng halikan nya ako sa kwarto nya at sabihing gusto ko rin raw sya, kahit hindi naman.
Pero sa tuwing gagawin nya iyon sa'kin ay bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Nananalangin na sana hindi nya marinig dahil sobrang nakakahiya.
"I have an idea." Binitawan ko ang librong hawak at tuluyan na itong hinarap, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa angking ganda ng babaeng kaharap.
Kaya nga sobrang nakakapag taka na may gusto sa'kin ang isang ito, mayaman sya, sobra. Maganda, sobra. Nasa kanya na ang lahat.
Lahat makukuha nya, kung sino man ang gustuhin nya, pero sisiguraduhin kong hindi ako isa sa mga taong magkakandarapa papunta sa kanya.
Hinding hindi ako mahuhulog sa isang taong tulad nya.
Ano na lang ang mararamdaman ng mga magulang nya kung ang panganay nila ay sa isang tulad ko lang magkaka gusto? Malamang magagalit ang mga iyon, dahil katulad ng mga nasa palabas, ipagtatabuyan rin nila ako at hindi tatanggapin para sa anak nila.
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
General FictionQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"