Kabanata 2

51.4K 1.7K 469
                                        

SAMANTHA

Hindi maayos ang araw ko, ilang na ilang ako sa panganay na anak ng mga Quinn, hindi ako nilulubayan na ultimo pagkain nya sa hapag ay gusto pa nyang samahan ko sya.

Nakita nga ako ni manang na kaharap ito sa dining table, tinawag ako at pinagalitan pero ng malaman naman iyon ni ma'am Aerin ay si manang pa ang pinagalitan nya.

Jusko, masisiraan ako ng bait sa babaeng ito.

Kahit ang pagbibilad sa araw ay kailangan nasa tabi nya ako, ako pa pinaglalagay ng sunblock sa katawan nya.

Hindi naman iyon ang trabaho ko e'. Tuloy si Loila pa rin ang nag lilinis ng mga guestroom.

Kahit nga ang pagtambay nito sa library habang gumagawa ng trabaho nyang hindi ko naman maintindihan, dapat nasa harapan nya ako.

Mag-iisang linggo ng ganon ang nangyayari sa pang-araw araw ko. Halos sanay na nga akong makitang hubad ito, siguro kaya napaka confident na maghuhubad na lang kapag kaming dalawa ay dahil may maipagmamalaki naman talaga sya.

Sa ganda at kinis ba naman ng kutis nya.

"Samantha!!" Napabuntong hininga na lang ako, nasa labas ako ng banyo, habang ito ay naliligo.

"Bakit po, ma'am?"

"I need a towel here, sweetheart."

"Ma'am, nasa cabinet po."

"I can't reach it." Kumunot ang noo ko at parang buang na tiningnan ang nakasarang pintuan.

Kung hindi nya abot, tingin nya abot ko? Tanga ba sya? Sobrang tangkad na kaya nya.

"Ma'am, mas matangkad ka pa po---"

"Just come inside, goddamned it." Taranta naman na pumasok ako.

Isa sa mga napansin ko rito ay mabilis uminit ang ulo nito, mabilis maubusan ng pasensya kaya naman grabeng pagtitiis talaga ang ginagawa ko mapag tyagaan lang ang ugali nito.

Siguro ganyan talaga kapag anak mayaman.

"That one." Turo nya sa towel na nakasabit, ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan nya. Hindi man lang nahiya, sabagay. Mukhang sanay na sanay naman syang nagbabalandra ng katawan.

Amp.

"You take a bath."

"M-mamaya na po." Napagilid ako ng lumapit ito sa'kin, nakita ko ang unti unting pag angat ng sulok ng labi nito, indikasyon na natutuwa sya sa nakikitang epekto nya sa'kin.

"Now na. You'll come with me."

"Saan po, ma'am?"

"Work, honey." Hindi na ako sumunod sa kanya ng lumabas ito.

Nandito na rin naman ang ilang gamit ko, nakakahiya ngang itabi sa mga mamahalin nyang gamit pero gusto nyang dumito ako matulog kaya wala na rin naman naging angal pa si nanay flora.

Baka pagalitan na naman kasi sya.

Masyadong malaki naman ang sofa nya kaya kasyang kasya ako.

Napatampal ako sa noo ng maalalang wala nga pala akong dalang pang bihis. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip kung nasaan na sya.

Hindi ko naman na nakita kaya dali dali akong lumabas at tinungo ang bag ko, nag hanap ako ng maayos na masusuot, halos lahat ng ipinang-lalakad ko sa'min ay iyon ang dinala ko.

Pero ngayon mukhang wala akong mapili, dahil walang maayos na damit. Kahit anong isuot ko yata ay magmumukha talaga akong alalay sa tabi ni ma'am Aerin.

Owning Her [Side Story] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon