Kabanata 7

39.3K 1.6K 1K
                                        

SAMANTHA

Pilit na kinukuha sa'kin ni Andy ang tray na may lamang dalawang baso ng juice. Ngumiti lang ako at sinabing kaya ko na.

Dumiretso ako sa pool kung nasaan si ma'am Aerin, kasama ang bisita nya.

Akala ko kasi uuwi na kami sa bahay nya noong nanggaling kami sa book store, pero hindi pala.

Dumito na raw muna kami.

Walang imik na inilapag ko ang juice sa tabi nila. Pasimple kong tinitigan si ma'am at ang lalaking mukhang--- mukhang mayaman. Na kasama nya.

Hindi ko alam kung anong trip nila pero dito sila nagbibilad sa tabi ng pool. Naka suot pa ng two-piece si ma'am Aerin at hinahayaan nya lang na hawak hawakan sya ng lalaking ito.

"Samantha.." tawag nito ng akmang paalis na ako. Pumihit ako paharap.

"Ma'am?"

"Hand me my sunblock." Hindi tumitinging utos nito sa'kin. Nasa tabi lang naman nya.

Lumapit ako rito saka kinuha ang iniuutos nya at inabot.

Agad nyang kinuha saka ibinigay sa lalaking kasama at sinabing lagyan sya sa likod. Ngiting ngiti naman ang hayop saka tumabi kay ma'am at ginawa ang pinag-uutos ng isa.

"We should go to Maldives babe, what do you think?"

"I'm busy Harold." Malamig na sagot ng amo ko. Napa iwas ako ng tingin ng halikan ng lalaki sa pisnge si ma'am, tinaasan pa ako nito ng kilay na parang nag tatanong kung ano pa ang ginagawa ko rito sa harapan nila.

Tumalikod na ako pero bago ko pa maiiwas ang tingin, nakita kong hinalikan nya sa labi ang lalaking kasama, si Harold.

Paulit ulit akong napalunok at pilit na inaalis sa isip ang nakita, tumulong na lang ako kayna Andy dahil iyon naman talaga ang ipinunta ko rito.

Ng matapos sa lahat ng gawain ay bumalik akong kwarto at naisipang gumihit na lang.

Sa dami ng binili nya ay pinaki-usapan ko syang kung maaari ay ipadala ko sa'min ang iba, pumayag naman sya, dinagdagan nya pa nga ng kung ano anong mamahaling notebooks, libro at mga bag para sa kapatid ko.

Hiyang hiya na nga ako pero parang wala lang sa kanya na gumastos ng gumastos.

Pumunta akong Veranda ng kwarto ni ma'am Aerin, may malaking sofa roon at may round table rin, may swing na puno ng malalambot ng unan at maraming halaman pero mas pinili kong umupo sa round table. Kung saan kitang kita silang dalawa.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko bakit sila ang ginuguhit ko ngayon.

Harold..

Mukha syang mayaman, gwapo rin. Sobra. Mapagkakamalan ko na nga sanang artista, pero narinig ko na anak lang pala iyon ng isa sa mga kasosyo ni ma'am Aerin sa negosyo.

At isa sa mga manliligaw nyang sinagot na yata nya.

Bagay na bagay sila, sa totoo lang. Halos lahat nga ng mga kasambahay rito ay kinikilig ng makita kung gaano ka sweet ang dalawa.

Napapangiwi na lang ako sa kung paanong mag harutan ang dalawa iyo, pero hindi ko maiwasang hindi tingnan si ma'am Aerin.

Parang wala kasi ito sa wisyo, parang napipilitan, hindi ko alam.

Ngumi-ngiti nga ito pero alam kong peke, sa araw araw ba namang magkasama kami, nahahalata ko na kung ano ang ugali nito.

Mabilis itong mapikon, pero makulit at mapang asar.

Kapag naman nasa trabaho ay sobrang seryoso, minsan nga noong sinasama nya ako ay nakakalimutan nitong kumain dahil tutok na tutok sa ginagawa, kung hindi ko pa sinasabihang kumain ay hindi gagalaw.

Owning Her [Side Story] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon