SAMANTHA
Gabi ng dumating kami, hindi ko rin namalayan ang oras. Nagising na lang ako ng may naka pulupot na malambot na kumot sa katawan ko, yung katabi ko naman ay busy na manuod sa cellphone nya.
Alam nyo na kung ano iyon. Hindi ko na kailangan pang sabihin.
Siguro kung makikita ito ng mga tauhan nya, pag tatawanan sya. Ikaw ba naman, makita mo ang mataray at siraulo mong boss, nanunuod ng dora.
Natitiis nya talaga ang katangahan ni Dora.
Ako kasi hindi e.
Mabilis uminit ang ulo ko riyan.
"Cold?" Tumango ako.
Napaigtad ako ng yakapin nya ako.
"I don't have a jacket with me. At isa pa, masyado ng gasgas ang ganoong style, hug na lang para mas ma-fall ka pa sa'kin."
"Fall mo mukha mo ma'am." Napatalon ako ng bahagya ng pisilin nito ang braso ko.
"Stop hurting me, Samantha. Parang hindi mo nagustuhan--"
"Baba na po tayo." Pag puputol ko sa sasabihin pa nito.
Hindi na kasi ito natigil sa kaka-sabi tungkol sa pagka fall ko kuno sa kanya, at kung gaano ko raw nagustuhan yung halik
E' sya nga itong hingi ng hingi pa.
Napaka kulit.
May humintong magarang sasakyan sa tapat namin, pinag titinginan na kami ng iba, pati pala rito agaw pansin ang kasama ko.
Bumaba ang lalaking nakasuot ng damit na pormal na pormal, bahagya pa itong yumukod sa harap namin para mag bigay galang bago buksan ang pintuan ng sasakyan sa backseat.
Pina-una akong sumakay ni ma'am Aerin bago sya.
"May resort rito si Aeris." Tumango ako. "It's one of the 5-star resort in Seoul."
Tumitingin ako sa bawat nadadaanan namin, ang ganda pala talaga ng korea. Ang daming taong gumagala kahit gabi na. Sobrang gaganda ng mga puno dahil napapalibutan ng mga ilaw.
Medyo malamig na rin dahil anong buwan na ba? November?
Hindi ko aakalaing ganoon kabilis ang pag daloy ng oras. Parang kailangan lang ay unang araw ko sa bahay ng mga Quinn, tapos ngayon...
"Let's eat in the hotel, bukas na lang kita dadalhin sa N Seoul tower to eat our lunch." Hinawakan nito ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang rin, malamig na rin kasi.
"Where do you wanna go?"
"Kahit saan po ma'am."
"Will you stop calling me ma'am?" May himig ng pagka irita ang boses nito. Kumunot ang noo ko saka ito binalingan ng tingin.
"Bakit naman?"
"I'm your future wife, duh." Mas lalo lang na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Wife?" Takang tanong ko.
"Yeah, Wife Samantha."
"Pareho tayong babae, ma'am." At isa pa, hindi ako ang nararapat para sa isang tulad mo.
"You could've think about that before you kissed me."
"Ikaw ang unang humalik."
"Oh really? After you kiss me kanina sa Airplane, you'll tell me that?"
"Ma'am, pareho tayong babae. Hindi pwede yang iniisip--"
"That's bullshit!!" Pareho yata kaming nagulat ni manong driver dahil sa biglaang pag lakas ng boses ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
Fiksi UmumQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)