SAMANTHA
"Samantha!!" Dali dali akong pumuntang sala ng marinig ko si Aerin na tinatawag na naman ako. Pang ilang beses na nya yan tapos ang sasabihin lang ay halikan ko sya.
Sarap palayasin sa sarili nyang bahay.
Naabutan ko itong prenteng naka upo sa mahabang couch, bukas ang malaking TV pero hindi naman nanunuod. Naka tuon kasi ang atensyon nito sa hawak na cellphone, lumapit ako sa kanya saka inabot ang remote at pinatay ang TV.
"Bakit?" Kitang naglilinis ako sa kusina.
"What are you doing?" Nakakunot ang noong tanong nya. Lumapit ako rito saka naka pamaywang na pinagmasdan sya.
"Naglilinis." Mas lalo lang na kumunot ang noo nito.
"And why would you do that?" Tinaasan ko ito ng kilay. Malamang, dahil trabaho ko.
"Trabaho ko 'yun, ma'am."
"Stop calling me ma'am, dito ka sa tabi ko. Gusto mo nito?" Iniharap nito sa' kin ang phone nyang may naka display na pagkain, mukhang masasarap.
"Ikaw ang bahala." Yumuko ako para kunin ang nahulog na throw pillow.
"Gusto ko nito."
"Bumili ka." Sunod kong pinulot ay ang laptop nyang nasa sahig, pinabayaan na naman. Yung iPad naman nito ay nasa tabi nya.
"Okay, how about you? Anything you want?" Niligpit ko na rin ang nakakalat na iilang papel na nasa lamesa.
Umayos ako ng tayo ng makitang maayos na ang kinauupuan nito, naka taas pa talaga ang dalawang paa sa center table at prenteng naka sandal sa sandalan ng couch.
"Ang gusto ko lang maging malinis ka naman sa bahay, kahit minsan." Ang burara kasi. Kakatapos ko nga lang linisin yung mga damit nyang nagkalat sa kwarto kanina lang.
"Baby, it's clean." Maarte nitong pahayag kaya inis na inalis ko ang paa nitong nasa center table. "Sam, ano ba.."
"Tumayo ka riyan, ma'am."
"I can't walk, remember."
"Kaya mo."
"No, I can't. Buhatin mo ko."
"Ang laki mo ng tao para magpabebe." Inis kong saad bago sya tinalikuran. Narinig ko pa ang nakakabingi nitong tili at pagdadabog. Nagsisisigaw na bawiin ko ang sinabi ko.
Buntong hiningang nagpatuloy ako sa pag aayos ng mga hinugasan kong plato. Hindi kasi masyadong nagagamit, wala namang alikabok pero mas maganda na iyong malinis man lang ito kahit dalawang beses sa isang linggo.
"Love.."
"Hmm?" Isang linggo simula ng maging kami, parati nyang sinasabi na huwag na akong gumawa ng gawaing bahay pero wala naman akong gagawin.
Naramdaman ko ang biglaang pagiinit ng mukha ko ng maalala na naman ang nangyari kagabi dahilan para hindi makapasok ang isang ito.
"I'm hungry."
"Anong gusto mong kainin?" Seryoso kong tanong.
"Ikaw." Seryoso ko pa rin itong tiningnan.
"Pagkain, Aerin." Parang tangang napapaypay pa ito sa sarili. Akala mo talaga naiinitan e' ang lakas lakas ng aircon rito sa bahay nya.
"I'll wait for the food. Get me some juice please." Kumuha ako ng malamig na juice sa ref saka sinalinan ang basong hawak.
"Ayos ka na?" Tanong ko bigla dahil hindi ko alam kung nagiinarte lang ba ang isang ito o talagang totoong nasobrahan nga kami kagabi...
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
General FictionQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)