Kabanata 17

47.3K 1.5K 444
                                        

SAMANTHA

Hindi ko alam kung anong ginawa ko na naman, basta na lang kasing naiinis ng walang dahilan. Panay pa ito irap, buti na lang maganda sya dahil kung hindi baka nag mukha na syang tanga.

Kanina kasi dumating na yung mga investor nito kaya kailangan nilang mag meeting, ako naman ay bumaba ng building dahil wala na akong magawa sa office nya. At dahil nga breaktime naman ay duon ko nakita ulit yung bata, kasama ang daddy at yaya nya.

Masaya silang kumakain, dinalhan pala kasi nito yung daddy nya ng lunch kaya nakipag kwentuhan na lang rin ako.

Tapos hindi ko naman alam na natapos agad yung meeting nila Aerin kaya nakita nya akong kausap yung bata at ang daddy nito. Ayun, simula 'nun hindi na ako pinansin.

Nag aaktong bata na naman.

Akala mo maagawan ng kanya kung maka-asta.

"Aerin--" Pinutol agad nito ang sasabihin ko sa pamamagitan ng irap.

Sarap---tampalin.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Hindi ko kasi alam kung hanggang anong oras ang balak nyang pag tambay rito sa office nya.

Oo, tambay. Nanunuod lang naman kasi sya ng dora, hindi naman gumagawa ng trabaho. Kaya rin asar na asar na ako rito dahil magluluto pa ako pag uwi ng bahay.

"Aerin." Ngayon ay tumayo na ako para lapitan sya saka isinara ang laptop nito.

Inis na hinarap nya naman ako saka walang sabing dinampot ang bag nya kasama na ang susi at cellphone, ako na rin ang nag patay ng computer nyang bukas lang naman kahit hindi ginagamit.

Maging ang naiwan nitong blazer ay dinampot ko na rin dahil basta na lang iniwang nakasabit.

"Hurry up, Samantha. Gusto ko ng matulog."

"Hindi ba muna tayo kakain?" Naka sunod lang ako rito habang nag lalakad papunta sa elevator. Ako na ang pumindot pagkarating namin sa tapat.

"Oh? Aren't you full enough? The way you smiled at them kanina mukhang mabubusog ka na hanggang bukas makalawa." Kinagat ko ang pangibabang labi para pigilang mapangiti. Yung tingin nito ay nasa reflection lang namin sa pinto ng elevator.

At ng makita nyang nagpipigil ako ng ngiti ay tinaasan nya ako ng kilay saka maarteng humarap sa'kin at hinampas ako. Yung mahina lang kaya hindi ko na napigilang matawa.

"Para kang bata. Nagseselos ka ba doon sa baby?" Umawang ang labi nya pero wala namang sinabi.

"What if I'll tell you that I'm jealous? What would you do? You'll gonna suyo me na ba 'ha?" Umiling ako na ikinapadyak na naman nya sa inis.

Hindi kasi ako marunong manuyo.

"I need some lambing kasi, Samantha."  Para pa nga itong maiiyak habang sinasabi iyon.

"Para kang bata."

"I'm not."

"Umaakto kang bata."

"Gusto ko lang naman ng lambing e'." Tiningala ko ito, may kalakihan ang agwat ng tangkad namin tapos sya itong umaakto ng ganito?

Tss. Nakakawala ng angas, Aerin.

Seryoso ko syang tiningnan, ganon rin naman ang ginawa nya. Seryoso lang kaming nakatingin sa isa't isa.

"Anong gusto mong ulam?" Tanong ko makalipas ang ilang mimutong pag tititigan naming dalawa.

Biglang namula ang mukha nya at padabog pag lumabas ng saktong bumukas ang elevator. Bawat pag tapak ng heels nito sa sahig ay rinig na rinig.

Parang nagdadabog kaya naman hinabol ko na ito. Lakad takbo ang ginawa ko dahil sa laki at bilis ng hakbang nya.

Owning Her [Side Story] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon