SAMANTHA
Hindi na ako mapakali noong inaya na ako nitong matulog, nakapag pa-deliver na rin naman na sya ng dinner naming dalawa, bago sa'kin yung mga pagkaing nakahain, hindi ko naman sya matanong kung ano ang tawag sa mga iyon kasi hindi nya na ako kinikibo pa simula ng sabihin nya 'yung sa kanina lang.
Wala rin naman akong balak mangulit, basta pinauna ko syang sumubo at ng makita kong buhay pa naman sya makaraan ang ilang minuto ay kumain na rin ako.
Ako na ang nag ligpit ng mga pinag kainan namin, habang sya ay bumalik sa sala para manuod ulit ng seryosong palabas.
Hindi na nga ako magtataka kung maririnig ko itong sasagutin na si Dora e'.
Pag katapos kong mag ligpit ay pumunta akong kwarto, sumunod na rin naman agad sya at ngayon nga ay naga aya ng matulog.
"Matulog ka na ma'am, nanjan sa'yo yung mata mo." Gusto ko sanang tanawin ang labas, dahil may veranda naman rito, pero parang ang lamig.
Lumapit ako sa bintana saka sumilip sa labas, sobrang mailaw rito, kahit na malalim na ang gabi ay kita pa rin ang maraming taong gumagala sa buong resort. Kita ko ito dahil nasa ika tatlong palapag lang naman ang tinutuluyang kwarto namin ni ma'am Aerin.
Huminga ako ng malalim.
Sobrang lamig, nakakapanibago.
"Samantha.." narinig ko ang mga yabag nito na papalapit sa'kin. Hanggang sa nasa tabi ko na ito, nakiki tanaw rin sa labas.
"It's cold, let's sleep."
"Uuwi na ba tayo bukas, ma'am?" Mahinang tanong ko.
"We'll have our date pa." Medyo may kaartihan nitong sambit.
"Pero uuwi pa rin tayo?"
"Of course, as much as I want you mine, I can't stay here. Wala kasi akong balak na magbayad." Tapos tumawa pa ito na parang nakakatawa nga ang sinabi nya. Napasimangot naman ako saka hinarap si ma'am na nangingiti pa rin.
Akala ko ba hindi ako nito papansinin?
Ibang klase.
Kanina lang umiiyak, tapos mananahimik tapos ngayong aaktong parang walang nangyari?
Muntanga yarn?
"Bakit mo 'ko pinapansin?" Nagtataka kong tanong.
Aba, kung wala syang balak na pansinin ako, hindi ko rin naman sya papansinin. Nakakahiya naman diba.
Kakausapin ko lang sya kung sya ang unang mag sasalita.
"Trip ko." Kibit balikat nitong sagot.
"Hindi ka na nagda-drama?" Sumama bigla ang timpla ng hilatsa ng mukha nito, pero maganda pa rin.
"Five minutes drama, one minute regret and continue with my plan." Saka ito kumindat saka tuluyan na akong iniwan sa kinatatayuan ko.
Pakindat kindat pa, akala mo naman nakaka akit sya.
Hindi naman nag tagal ay sumunod na rin ako sa kanya, naka higa na ito sa kama habang gumagamit ng phone.
Tumabi ako sa kanya, pero dahil sobrang laki nito ay may malaking space sa pagitan naming dalawa. Napansin nya ito kaya dahan dahang syang umusog palapit sa'kin.
Sumimangot naman ako sa ginawa nya, hinawakan nito ang kamay ko saka inilahad sa tapat ng hawak nyang phone.
Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng camera.
Hinayaan ko sya sa kung anong trip nya, naka tingin lang ako sa kamay naming mag kahawak.
Ang hilig nyang makipag hawak-kamay. Nakakahiya naman tuloy sa kamay kong magaspang, pano ba naman kasi, bukod sa mahahaba ang daliri nito ay sobrang puti at lambot pa.
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
General FictionQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)