Kabanata 3

29.5K 1.3K 509
                                    

SAMANTHA

"I want all of this." Hindi makapaniwalang tumitig ako kay ma'am Aerin ng pasadahan nya ang sobrang daming damit na naka-hilera, lahat mukhang mamahalin pa.

"Your size, ma'am?" Tanong ng babaeng kanina pa sumusunod sa'min pag pasok pa lang ng store rito sa malaking mall na sa kanila pa yata dahil apelyido nila ang naka sulat sa malaking bukana ng mall.

"Her size." Turo nito sa'kin. Hindi ako umimik at nahihiyang nagbaba ng tingin. Hawak hawak nito ang kamay ko mula pa kanina, subukan ko mang bawiin ay sasamaan nya lang ako ng tingin sabay iirap at kukuning muli.

Napaka talaga ng ugali. Hindi ko naman sinabing masama, pero parang ganon na nga.

Akala mo parating may dalaw.

At isa pa, ayaw na ayaw nya talaga na pinapangunahan sya, gusto nya lahat ng gugustuhin nya ay makukuha nya o kaya kung ano man ang ipag-uutos sayo dapat magagawa mo.

Pala disisyon rin, tulad na lang ngayon. Umayaw na ako ng umayaw pero andito pa rin kami.

"You'll come with me? I'll just talk to a friend over there." May tiningnan itong parte kaya tumingin rin ako, ayun may nakatayong isang gwapong lalaki na mukhang hinihintay sya.

Nakatingin rin ito sa'min at may tipid na ngiti sa labi.

"D-dito na lang ako.." Ayaw ko rin namang marinig ang kung anong pag-uusapan nila.

Ngumiti ito ng malaki.

"Okay." Sagot nya bago yumuko at hinalikan ako sa pisnge, naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya umiwas ako ng tingin na ikinatawa nya.

"Don't bow your head, you know you are beautiful, you should be proud of it." Iyon lang at iniwan na nya ako, hindi pa nga masyadong na process ng utak ko ang sinabi nya.

Basta ang narinig ko lang ay sinabi nyang maganda ako.

Maganda ako...

Eh? Nagbibiro ba sya?

Para iwasan ang sariling mag isip pa ay nag libot libot na lang ako, kompleto pala rito, may damit na pang bata na nakahiwalay, makikita mong hindi basta basta ang bawat presyo.

Wala naman akong balak na tingnan sa parte kung saan namili si ma'am Aerin kaya rito na lang ako.

Naalala ko pa si Shajayah.

Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi pero siguro kung makakauwi man ako ay malaki na ito, naglalakad na o kaya gumagapang na.

Dalawang taon kasi ang balak kong paninilbihan sa mga Quinn. Malaki naman ang sahod kaya makakapag ipon naman yata ako para makapag tayo kahit isang maliit na tindahan lang.

O kaya ay bumili na ng sariling pwesto sa palengke hindi iyong parati akong bilad sa arawan, minsan nasisita pa ng MMDA dahil nakaharang ako at ang mga paninda ko sa daan.

Wala sa sariling hinaplos ko ang nakitang damit na pambata, purong puti ito, sweatshirt na sakto lang ang nipis at pajama, may kasama na ring medyas at bonnet.

Siguro ang cute ritong tingnan ni Shajayah.

Nangingiting tiningnan ko ang presyo, baka sakaling kaya ko. Balak ko kasing bilhin, kahit ito man lang. Sa susunod ko na lang iisipin ang iba ko pang kapatid at si nanay.

Pero unti unting naglaho ang ngiti ko ng makita kung magkano ito.

Sus ko po!!

Budget na namin ng ilang buwan iyon e'.

Pitong libo.

Isang pares ng damit pambata lang umabot ng pitong libo? Anong klaseng tela ba ito?

Ibabalik ko na sana ang damit na kinuha ng maramdaman ko ang kamay na unti unting gumagapang patungo sa baywang ko, at dahil maliit lang ako at mahaba ang braso nya ay umabot ito sa gitnang tiyan ko.

Owning Her [Side Story] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon