SAMANTHA
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nadito ang babaeng ito sa harapan namin. Naka upo katabi yung kasama nyang magandang babae rin.
Pinapasok ko na sa bahay dahil masyado na silang nakaka agaw ng atensyon, isa pa itong nanay ko. Nang-habol pa talaga ng itak.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil hindi inaalis ni Aerin ang tingin nya sa hawak na itak ng mama ko.
"Nay.." Tawag ko kay mama dahil isa rin syang hindi nilulubayan ng tingin si Aerin.
"Oh?" Barumbadong sagot nito, napailing na lang ako.
"Amin na nga yang itak. Para naman kayong ano riyan e.." Lumapit ako sa kanya saka kinuha ang itak na hawak. Nasa sala kami ngayon, nakikitira lang kami sa tiyahin ko. Kapatid ni mama na ngayon nga ay kaharap rin namin pati na ang asawa nito.
"Hoy Samantha, umamin ka nga sa'kin." Napaayos naman ako ng upo. "Ginayuma mo ba itong babaeng ito ha? Anak, panahunan pa ng lola mo yang pang gagayuma, huwag mo sa'king sabihing natuto ka na rin." Bigla akong pinamulahan sa sinabi ni mama.
Makapag-sabi namang ginayuma ko itong si Aerin parang ang pangit ko naman na gagawin ko pa talaga iyon.
"Ma naman."
"Ikaw naman, Saling." Umakbay pa si tita sa kay mama bago ako kinindatan. "Wala ka bang tiwala sa genes natin? Ang ganda ganda ng anak mo kaya kahit na sino mag kakagusto rito."
"What? The heck. No way. Akin lang yan--" Kusa itong huminto sa akmang pag sasalita pa ng samaan ko ng tingin.
Hindi nya ba alam na sensitibo ang nanay at tita ko, unting mali mo lang ay aayawan ka na nila. Respeto ang mahalaga para sa mga ito.
Kahit na maling mang habol ng itak.
"Hoy babae." Ngumiwi naman si Aerin sa itinawag sa kanya ni mama.
"I have a name po."
"Paki alam ko. Pananagutan mo ang anak ko." Para namang biglang nag ningning ang mga mata nito, napangiti rin ng pagkalaki-laki bago tumango ng sunod sunod.
"of course, that's the reason---"
"Ma, wala na kami nya." Agap ko dahil baka kung saan saan pa mapunta ang sasabihin nito.
At isa pa, wala akong balak na maging kabit. Hindi ko iyon pinangarap.
"Tumigil ka Samantha, papanagutan ka nito. Sinasabi ko sayo, hindi ka kung sino sinong babae lang. Hindi na nga kita napag tapos, tapos ibibigay mo pa kung kani-kanino lang ang dapat na sa taong pakakasalanan mo."
"Ma naman, parang ikaw nga hindi nakara--aray!!" napatayo talaga ako para lang makalayo rito. Ang sakit mangurot ni mama.
"Sumasagot ka?" Umiling ako.
Tiningnan ko naman ng nagtatanong si Aerin ng mag taas ito ng kamay na para bang nasa eskwelahan lang.
"Bakit?" Inis kong tanong, hindi ko kasi talaga inaasahan na darating sya rito. Umalis na nga kami sa dating probinsya namin kung saan nya ako unang nakita tapos masusundan lang rin pala nya kami rito.
Sayang lang pinamasahe ko sa barko. Ang mahal mahal pa naman.
"I need a pillow, sweetheart. Masakit sa pwet yung upuan nyo." Nagkatinginan kami ni tita, siniko naman sya ng katabi nya. Si mama naman mukhang na offend dahil sa sinabi ng babaeng kaharap nya na inosente pang nakatingin sa'kin, nag hihintay ng sagot.
Napapalatak na pumasok ako sa kwarto at kumuha ng unan saka inabot sa kanya. Nagpasalamat naman ito saka inilagay sa upuan ang inabot ko.
"So? What's the plan? When is the wedding?" Nakangiting tanong nito kay mama na akala mo hindi sila naghabulan ng itak kanina lang.
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
General FictionQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
![Owning Her [Side Story]](https://img.wattpad.com/cover/303594788-64-k328283.jpg)