Kabanata 20

54.5K 1.6K 363
                                        

SAMANTHA

Kina-umagahan ay dumating ang parents ni Aerin. Sobrang hiyang hiya ako at pati na rin sina mama dahil wala man lang pasabi ang babaeng ito na darating pala ang mga magulang nya.

"Why so grumpy, baby?" Kanina pa rin iyan nang-aasar. Nasa sala kasi sina tiya, mama at mga magulang nya. Nag-uusap, kami naman ay nandito sa kwarto'ng tinutulugan naming magkakapatid.

"Huwag mo akong kausapin, Aerin. Nakaka inis ka." Malandi itong tumawa, sobrang lapit sa'kin kaya tinulak ko ang mukha nya palayo.

Kahit maganda sya naaalibadbaran pa rin ako sa pag mumukha nya.

Hindi nakakatuwa ang ginawa nya'ng iyon.

"Any minute from now, they'll ask us to join them to talk about the upcoming wedding."

"Hindi ako magpapakasal sayo." Sa inis ko ay nasabi ko iyon pero tinawanan nya lang saka malandi na namang hinaplos ang hita kong lantad sa mga mata nya dahil sa suot kong kupas na maong na short.

Inis na tinapik ko ang kamay nya.

"Lubayan mo nga ako."

"Red days ba?" Sa halip ay tanong nya, at dahil sa nakakainis sya kasi nahulaan nya ay malakas na tinampal ko ito sa braso.

"Hey, ouch. Masakit."

"Nakakainis ka kasi."

"Pinag lilihian mo na 'ko nyan?" Hahampasin ko sana ulit ito kung hindi lang pumasok si tiya na ngiting ngiti.

"Antang.." Antang tawag nila sa'kin, palayaw ko.

"Tiya." Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanya, sumunod naman si Aerin na naglakad palapit sa'min.

"Labas na kayo." simpleng tango na lang ang isinagot ko saka hinarap ang babaeng kanina ko pa kinaiinisan.

"Tara---Aerin.." Gulat kong tawag rito, bigla bigla na lang kasing nanghahalik.

"Advance kiss from the bride." Sabay kindat at hawak sa kamay ko. Sabay na kaming lumabas ng kwarto, naiiling na nag concentrate na lang ako sa mga taong nasa sala namin.

Halata ko ang hindi komportableng pagkaka upo ng mag asawa sa upuang kahoy namin, pero wala naman silang sinasabi.

Mabuti pa ang mga ito, marunong makiramdam at mababait pa. Hindi katulad ng panganay nila. Bukod sa sobrang arte ay sobrang landi rin.

Malanding adik kay Dora.

Kulang na lang ay ang mag alaga sya ng unggoy para kompleto na sila.

Kainis.

Dahil wala ng mauupuan ay nakatayo na lang kami sa harapan ng mga matatanda. Yumukod ako bilang pag galang sa mga ito. Hindi na rin ako nagulat ng tumayo ang mama ni Aerin saka ako niyakap at hinalikan sa pisnge.

Ang papa naman nya ay tango lang ang binigay sa'kin pero nakangiti naman.

"We settled everything Aerin." Ang daddy na nito ang unang nag salita. Ngumiti naman si Aerin saka ako hinapit sa baywang palapit sa kanya.

"Thanks dad."

"Just promise us to give lots of grandchildren." Ngiting ngiti naman ang mama ni Aerin. "I'm counting on you, Sam." Ramdam ko ang pamumula ng buo kong mukha ng ngitian nya ako.

Ang bata ko pa.

Kung gusto nila talaga ng apo, itong anak nila ang pag buntisin nila. Matanda na naman iyan e.  Kaya nya na, tapos sabay na silang manunuod ng Dora.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, nakakahiya pa rin kasi talaga na nakarating sila rito sa lugar namin tapos ganito pa ang bahay na mayroon kami.

Owning Her [Side Story] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon