SAMANTHA
Tanging ang ingay lang na nagmumula sa air-con. ang maririnig sa apat na sulok ng opisina ni Aerin. Kanina pa ito walang imik, panay sulyap lang sa'kin.
Matapos ng sinabi nito kanina ay kanya kanyang bulungan at opinyon ang sinabi ng mga taong nakarinig. May mga naririnig pa nga akong hindi maganda patungkol sa kanya.
Dalawang empleyado rin ang nawalan kaagad ng trabaho dahil sa sinabi ng mga ito.
"Mga tomboy pala ang anak nina Mr and Mrs. Quinn 'no? Sayang ang gaganda pa naman." Sa dami ng bulungan isa lang ito sa mga narinig ko. At mukhang narinig rin ng babaeng kaharap ko dahil mas lalo lang na nangunot ang noo nito.
"Pati yung isa?"
"Oo, teh. Kalat na kalat kaya sa Internet yung ginawa noong pang haharana." Aabutin ko na sana ang kamay nito para kaladkarin na pataas, pero huli na dahil talagang galit nya ng hinarap yung dalawang nagbubulungan.
At iyon nga, halos lumuhod pa sa kanya iyong dalawa dahil pinag bantaan nyang kahit na maliit na kumpanya ay walang tatanggap sa mga ito.
Hindi na rin ako umumik ng mga oras na iyon dahil sobra akong natakot sa nakikitang galit sa mga mata nya na mapa-hanggang ngayon ay hindi nawawala.
"Samantha! " May kalakasang tawag nito sa'kin, nasa swivel chair kasi ito habang ako ay nasa visitors area, nagbabasa ng nakuhang libro sa bookshelf nya kahit na wala naman akong maintindihan.
"B-bakit?" Tumikhim ako para mawala ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko. Kita ko pa ang unti unting paglambot ng itsura nito saka itinaas ang kamay, senyales na lumapit ako.
Ibinaba ko ang hawak na libro sa table saka nakayuko at dahang dahang lumapit rito.
"Are you afraid of me?" Alanganin nyang tanong.
Ako? Takot sa kanya? Medyo, parati naman itong nakasigaw at parang parating galit pero yung kanina kasi, sobrang kalmado lang nya pero alam mong sobra yung galit nya.
Mas gugustuhin ko pa ang pala sigaw at galit na Aerin, kaysa sa ganoon. Sobrang baba ng boses nya pero ramdam mo ang kilabot sa bawat katagang binibitawan.
Dahil ayaw ko namang mag sinungaling ay tumango na lang ako, muntik pa akong tumili ng hilain nya ako paupo sa kandungan nya.
"Don't be, I'm your girlfriend." Marahan nitong hinahaplos ang buhok ko mula sa likod.
"Nakakatakot naman kasi yung ginawa mo kanina , at isa pa.." Napatingin ako sa kamay kong magkahawak. Dapat ko bang sabihin? Pero baka uminit na naman ang ulo nito.
"What?" Umiling ako.
"Wala."
"Tell me." Pag pupumilit pa nito na inilingan ko na lang ulit.
"C'mon, Sam. Tell me." Sa isiping magagalit na naman ito ay sinabi ko na.
"Kawawa iyong pinalayas mo, at pinag bantaang walang tatanggap sa kanila." Naramdaman ko ang pag ismid nito.
"They deserve it."
"Alam ko naman na masama iyong ginawa nila, pero dapat bang gawin mo yun?"
"Samantha, I'm no Saint. What d'you want me to do? Just stand there while they are badmouthing me and my sister? Hell no."
"Baka kasi may pamilyang binu-buhay sila, kawawa naman." Humigpit ang yakap nito sa'kin mula sa likuran.
"No one wants to hire an individual who bad-mouth their employer, I don't wanna keep some marites in my company."
![](https://img.wattpad.com/cover/303594788-288-k328283.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning Her [Side Story]
General FictionQueen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"