Kabanata 6

44.8K 1.7K 784
                                        

SAMANTHA

Umiwas ako ng tingin ng makasalubong ko si ma'am Aerin, pero wala yata syang balak na hayaan na lang akong maka alis dahil bigla na lang ako nitong hinapit sa baywang at walang ano anong binigyan ng isang magaang halik sa pisnge.

"You woke up early, hun. Saan ka galing?" Itinuro ko ang labas. Nawala na yata ang dila ko dahil simula noong sinabi nyang 'mahal na yata kita.' kung ano anong panlalandi na ang ginawa nya sa'kin.

"D-day off ko ngayon, ma'am." Nauutal kong paalam, ngayon na nga lang ako nag day off, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Siguro dito na lang ako.

Pero kanina nag kita kami ni tope sa labas, at nalaman nyang day off ko, inaaya nya akong gumala sa labas.

Tinanong ko na nga si Andy kung ano sa tingin nya, sabi nya mapagkakatiwalaan naman raw si tope kaya ayos lang na sumama ako.

Bumalik nga ako para maligo na at mag paalam kay ma'am Aerin.

"Oh really? Let's have a date, then." Lumayo ako rito ng bahagya, dikit na dikit na naman kasi wala pa nga akong ligo.

"May lakad ako, ma'am." Seryoso kong saad na ikinakunot ng noo nya.

"Where?" Tinaasan ako nito ng kilay at humalukipkip pa talaga sa harapan ko, kitang kita ko tuloy kung gaano kalaki ang hinaharap nya.

Nag iwas ako ng tingin.

"Hindi ko po alam, tatanungin ko pa po si tope."

Bahagyang umawang ang labi nito, itinuro pa ako pero wala ng sinabi. Iniwan lang ako at hindi ko na alam kung saan pa sya pumunta. Ikinibit-balikat ko na lang ang ginawa nya.

Hindi naman nya ako pinag bawalan kaya baka pwede naman. Bumalik ako sa taas para maligo dahil baka nag hihintay na si Tope sa'kin. Pag labas ko ay naabutan ko si ma'am Aerin na prenteng naka upo sa kama.

Naka sandal ang likod nito sa malambot na headboard at nasa lap ang laptop nya. Tiningnan nya ako bago inirapan at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Buntong hininga akong pumuntang pintuan, hinawakan ko ang seradura, nag taka pa ako ng hindi ko ito mabuksan.

Biglang may narinig akong kaluskos kaya binalingan ko ng tingin ang kasama sa kwarto. Naabutan ko itong iniinat ang dalawang braso, nakatingin sya sa'kin at ng makitang tinititigan ko rin sya ay agad ako nitong kinindatan.

Bumalik ito sa pagkaka upo sa kama at muling ipinatong ang laptop sa kandungan nya.

"Ma'am nakasara." Saad ko.

"Obviously." Mataray na ani nito.

Budhi talaga ng babaeng ito.

"Aalis po ako." Marahan kong batid at dahan dahang lumapit sa kanya. Tiningnan ko kung anong ginagawa nya, nanunuod lang naman pala.

Ng Dora.

"Then leave, pinipigilan ba kita?" Umismid ako sa naging sagot nya, parang tangang tinampal tuloy nito yung hita ko.

"Naka lock ma'am, pano ba 'yun? Bakit hindi ko mabuksan?"

"Figure it out." Hindi ko alam kung seryoso ba sya sa pinapanuod nya o wala na lang talaga syang ibang mapanuod kaya pinag titiyagaan nya yung Dora na cartoons.

"Wala ka bang pasok?"

"Wala." Mabilis na sagot nito.

Huminga ako ng malalim.

"Pwede po ba akong lumabas?" Malumanay na tanong ko, mas pinapahaba pa ang pasensya.

"Pwede."

"Yung pinto ma'am naka lock." Pag papaalala ko, baka kasi nakakalimutan nya.

Owning Her [Side Story] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon