Special Chapter

60.5K 1.6K 662
                                        

A/N: sabi ko parang kulang yung OWNING HER, yung special chapter pala nalimutan kong ibalik. HAHAHAHA, on the way na yung story ni Red.

AERIN

"Mommy let's go, the two twins are waiting." Tinaasan ko ng kilay ang anak.

"What two twins?" mataray kong tanong rito, nabobobo na rin kasi ang anak ko. Nag mana sa tita nyang sinumpa yata ni satanas kaya hanggang ngayon ay isip bata pa rin.

Ugh, If only I knew na ginagago ni Green ang anak ko sana hindi ko na ito pinatatambay sa kanila.

That little bobong brat. Dinamay pa sa pagiging tanga ang anak ko.

"They are four, mommy duh. Kaya two twins." I raised my right hand and motion her to come near me.

Ng makalapit ito ay saka ko lang binatukan ng mahina. Of course, she's still my daughter. Hindi ko sasaktan ang isang ito.

"Ouch, what was that for?" naiiyak na tanong nya. Pinanlakihan ko ito ng mga mata, kapag kami narinig ng mami nya riyan we're both dead.

"Shut up." inirapan ko ito pero mukhang mali ako ng ginawa dahil nagsimula ng umiyak si Samiyah.

"Mami!!!" tili pa nito.

"Oh my gosh, I did not hurt you. Shut up." tumataas na rin ang boses ko dahil sa kaartehan ng anak ko. Hindi naman ako ganito noong bata ako e.

"Mami, mommy hurt me." panay pa rin itong iyak at punas sa luhang wala namang nalabas.

"My goodness, shut up. Samiyah, ako malalagot sa mami mo eh. Fine fine. Let's go na. Stop crying na, please."

"Mami!!!!"

"My ghaddd!!" sinabayan ko na ang tili nito, huminto lang ako ng pumasok si Samantha na nakakunot ang noo.

Masama ang tingin nito sa'kin.

"Ano na namang ginawa mo, Aerin?" umirap ako ng nagpapaawang yumakap si Samiyah sa mami nya.

"I didn't do anything duh." pareho kong inirapan ang mag ina ko bago tumayo na rin.

"Mami, mommy hurt me. Look oh, my head hurts." Awang ang bibig na humarap ako kay Samiyah na panay pa ang pag pout sa harap ng mami nya.

"Hey kid, i didn't hurt you."

"Mami, mommy's mad at me." mas lalo lang lumakas ang iyak nito kaya mas lalo lang rin na sumama ang tingin sa'kin na Samantha.

Gusto ko na lang hablutin sa kanya ang anak namin at panggigilan, ginigigil ako e.

"Shh, stop crying, Sami. Akong bahala sa mommy mo. I got you, babe." mas lalo lang akong hindi makapaniwala.

"Pinaniniwalaan---"

"Shut up, Aerin. Mag uusap tayo mamaya. Matanda ka na, ibagay mo naman yang pag iisip mo sa edad mo."

Hindi makapaniwalang sinundan ko ang mga ito ng tingin, ngiting ngiti pa nga sa'kin si Samiyah kaya panay irap ako sa isa.

Muli akong umupo sa kama at hinintay na bumalik si Samantha.  Makaraan ang ilang minuto ay bumalik ito, dala pa rin si Sami na ayaw bumitaw sa kanya.

"Your daughter can walk, yah' know." Sami is already six, masyado itong matangkad sa edad nya kaya kawawa naman itong asawa ko na panay karga sa anak namin.

Tumayo ako at kinuha si Sami sa kanya.

"How was it, mommy? Am I good? Pwede na akong mag artista?"

"Lulunurin kitang bata ka." pagbabanta ko rito.

Owning Her [Side Story] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon