Forty Sixth

752 21 3
                                    

Henlo People!

----

"Hold up, what you mean to say..." Tanong ni Nico bago tumingin sa paligid para tignan kung may makakarinig sa kanya, saka naman hininaan ang boses. "You. And Beatrice... had sex."

"Isang beses mo pang ulitin, babaliin ko na yang leeg mo." Sabi ko sa kanya.

It's been a week since the party, and a week too since we last saw Beatrice.

Nandito kami sa mga Alcantara, situated in the living room while playing video games with each other. Si Jake, inakyat kanina si Sophie na nakatulog na, habang si Thea, Jethro, Laiza at Aya magkakasama naman sa kitchen na nag preprepare ng snacks. Naiwan kaming dalawa ni Nico na naglalaro lang nang tanungin niya ako about Beatrice.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyayari sa aming dalawa. Yung huli naming paguusap ay yung pinipilit ko siyang sabihin sa akin anong problema pero mas nalito nalang ako dahil bigla nalang nagging ganoon ang usapan naming dalawa. Sinubukan ko rin siyang tawagan, but she always rejects the call, then a follow up message comes after.

Busy right now. Will call later.

The message should've brought me some kind of peace of mind, but after reading it a bunch of times, I had already doubted the relief it brought.

There was no way she could be busy at 11PM.

"Gusto ko sanang sabihing imposible, pero ikaw yan. May tinatago ka ding libog." Sabi ni Nico sa akin, leaning off the sofa, looking around before continuing. "Maybe it was your performance na hindi nasatisfy si Madam?"

Sinamaan ko siya ng tingin, aambang ibabato sa kanya ang controller na hawak ko nang humalakhak siya.

"Tangina ka." I muttered, pressing more buttons and killing his character.
Natawa siya. "Eto naman pikon." He says. "Hindi kaya nabuntis mo, pare? Wow, sharp shooter!"
"Gago."
"Kita mo to, kaninang inaasar siya, minura na ako, tapos ngayong ppinupuri siya nagagalit siya."

Tumawa ulit ang loko habang binato ko siya ng unan.

Dala lang talaga ng kalasingan yung nangyari at wala talaga akong balak na gumalaw noon pero dahil may tama na ng alak ang utak ko, pumayag na rin ako sa tawag ng laman. Nang dahil sa wala sa plano ko, hindi rin ako handa, at wala akong ibang ginamit, pulling out at the last second.

Although I knew I was a second too late.

Tinignan ako ni Nico saka inilingan ako ng ulo, clucking his tongue.

"Kabataan nga naman ngayon o." He says.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Punyeta, Nicolo. Hindi ka na nakakatuwa."
"Oo nga pala. Nadala ka lang ng 'Init ng pagkakataon'. " He even held up two finger quotes to prove his point.

Nakatikim tuloy siya ng isang batok mula sa akin. He scratches it though, and I just roll my eyes at him. Wala talagang oras na nagging matinong kausap itong isang ito.

"Nakakamiss si Gregoryo. Wala kang kwentang kausap."
"Hoy, mas matino naman akong kausap dun." He glares at me. "And for the record, kung sa loob mo isinabog ang mga kampon mo,  hindi parin imposible ang mga sinasabi ko."

Kaunti nalang talaga madadagukan ko ulit si Nico. Mabuti nalang at dumating na ang mga kasama namin. Saktong pababa si Jake at sila Thea naman papasok galling ng kusina. Nakahawak ng isang tray na may pitsel si Jethro habang si Aya at Laiza naman baso ang hawak. Nakasunod sa kanila si Thea na may hawak na isang tray ng cookies at cupcakes.

"Your topic better not be about sex." Jacob warns.
Tinuro ako ni Nico. "Siya sisihin mo."
"Si Keith?" Tanong ni Jethro.
"Sus, hindi ako naniniwala." Aya raises her eyebrows. "Ikaw pwede pa."

A Close SecondWhere stories live. Discover now