Thirty Fourth

930 33 1
                                    

A/N: Sorry for the late update. This one's for you! Your message on my board really moved me!

---

Keith Andrew

I don't remember the last time I wore a toga.

Though being who I was, I wish I could say I had.

"You look wonderful."

Tinignan ko si Mommy habang lumapit siya sa akin. She stands infront of me, smoothing out my collar under the white toga na nakasuot sa akin. She smiles at me, holding my cheek and staring at my eyes.

She was the same height as I was, in heels. My mom is a really great woman. All my life, I never had to ask for anything dahil siya mismo nagbibigay. She's always present and if she had time, she always spends time with me and my brother.

I don't care if anyone else's calls me a mommy's boy, but she's the best that one could ever have.

"What a wonderful young man had you become, son." Sabi niya. "I'm so proud of you."

Inakap ko lang siya saka naman hinalikan ang noo niya. Naramdaman ko naman na may humaplos ng balikat ko.

"Nagdradrama nanaman ba ang mommy mo?" Tanong ni Dad sa akin.
Nginitian ko ito. "Opo, Dad." Sabi nito. "Nakakatawa nga po, hindi pa naman ako gragraduate ng college eh."
Natawa si Mommy mula sa pagkakaakap ko. "Hindi ba ako pwedeng maging proud sa sarili kong anak?" tanong niya. "Gragraduate na ang bunso ko. It's high school, baby."

Nangiti nalang ako saka inakap ang isang kamay ko sa may bewang niya. Nangiti si Dad, saka naman tinapik ang balikat ko.

"How about we get to that graduation party muna. Mamaya hayaan mo na yang mama mo na magdrama. It's what she's best at."

Inakap ko lang si Mama pabalik saka hinalikan sa ulo habang nagreklamo ito kay Dad na masyadong bully ito.

---

"Tol, hindi talaga ako makapaniwala! Gragraduate ka!!"

Tumatawa si Jake habang  nakaakbay siya kay Nico na nakasimangot. Natawa lang yung una, at inasar pa yung pangalawa. Biglang may umakbay sa akin, saka ko nakita si Greg na nakatayo sa tabi ko na nakangisi.

"Napagdiskitahan nanaman niya si Nicolo."
"Sino pa ng aba?" sagot ko.
"Ikaw, tukmol. Ikaw at si Nico lang naman ang laging inaasar ng gagong yan e." Sabi ni Greg saka ako inakay papunta dun sa dalawa. "Graduation na graduation nakasimangot ka diyan, Nicolo."
"Cheer up dude." Sabi ko. "Walang masama sa pagngiti."

Tinignan nila akong tatlo, na parang weird yung sinabi ko. Dang it, nahawa talaga ako sa mga ganoong ugali ni Beatrice.

"Sino ka at anong ginawa mo kay Keith?" tanong ni Greg.
Tinaasan ako ng kilay ni Jake. "Sino ka mang espiritung nasa loob ng kaibigan namin, diyan ka nalang ha?"
"Gago."

Nagtawanan sila and I smirked. Nakasama ko rin itong mga gagong ito, at nasanay na rin ako sa kanila. Sila yung nagpanormal ng buhay ko, yung mga naging daan para maging isang normal na teenager lang ako. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

"Tang ina, pare. Seryoso, ganyan ka nalang." Sabi ni Jake. "Para di matakot ang mga tao sa iyo pag nagcollege na tayo."

Nakapasa kasi kami sa iisang university. An international university in Manila. Xavier East University. Parehas kaming Civil Engineering ang kukunin ni Jake, and as I heard pati si Bunso doon din papasok, both being pre-accepted already.

Hindi na ako nagtataka dun, she's smart, and he is too, sort of.

"Hindi ba kayo magsasawa sa mukha ng isa't isa?" tanong ni Nico.
"Oo nga e. Masyadong clingy yan." Sabi ko. "Hanggang college gusto akong kasama."
"Nyeta, nagjojoke na rin siya!" Tawa ni Jake. "Seriously dude!"
"Bat napunta sa akin yung topic eh diba si Nicolo ang original?" Tanong ko.
natawa si Greg. "Ano ka ba? Magseseryoso nay an mula ngayon."

A Close SecondWhere stories live. Discover now