Twenty Sixth

950 25 7
                                    

Hi guys! Sobrang natawa ako. Goal reached. Inis na kayo kay Thea! Sabi ko sa inyo eh. Pinangako ko yan, ngayon ayan na! 

Rewritten. 

---

KEITH ANDREW

"Nasan si Madam?"

Tinignan kami ni Mikki habang nakaupo silang dalawa ni Amar usual na pwesto nilang tatlo sa dulo ng classroom. Tinaasan niya si Nico na nagtanong sa kanya saka naman hinarap.

"Actually hindi naming alam."
Kumunot ang noo ko. "Hindi kayo sinabihan? May nangyari ba sa bahay nila?"
Nagkibit balikat lang ito. "Ewan."
"Ang ayos ng tanong ko, Mikaela." Sabi ko.
"Anong isasagot ko sa inyo? Hindi ko nga alam. Hindi rin kami sinabihan."

Tinignan ako ni Greg at Nico, the other raising an eyebrow at me habang nakangisi naman ang una. Minsan hindi ko rin alam kung bakit ko talaga tinatawag na kaibigan ang mga ito.

"Bat mo naman kasi sinabing ititigil mon a? tol, yung words mo palang maling mali na." sabi ni Nico. "Malamang iisipin noon na yung panliligaw mo ang ititigil mo. Ano bang tinutukoy mo?"
Napahilamos ako ng mukha. "Tang ina, edi yung ipinapakilala ko siyang girlfriend at ginagamit sa harap ng mga magulang naming dalawa! Hindi tama yung lahat yun sinimulan namin sa pagpapanggap na kami na lalong lalo na sa pamilya namin."
Napangisi si Greg. "Pare, gusto kong katukin yang utak mo." Sabi niya. "Katalino mong tao, ganoon ang ginawa mo. Hindi ka naman nakikipagbreak sa kanya hindi ba?"
"Gago, hindi pa nga sila eh, break na agad?

Tinawanan ulit ako ng dalawang ugok

"Bakit hindi mo kausapin?" Nico.
Tinignan namin siya pareho ni Greg. "Hindi ko alam kung tang aka lang ba talaga o talagang hindi ka lang nagiisip. Nakikita mo ba si Courtney dito?"

Hahabulin ko dapat siya, pero hindi ko siya nakita sa room. Ang naabutan ko, sila Nico at sila Mikki na naghihintay sa aming dalawa. Hindi na rin siya bumalik at nakita ko ang driver nila na kinuha ang mga gamit nito.

Kaya heto ako ngayon, kasama ang dalawang gagong ito,

Napamura ako sa sarili ko. Para akong namatanda sa mga sinabi niya at hindi man lang ako nakapagsalita. Nakangiti kasi siya na parang wala lang ang mga sinasabi niya.

"So I guess, I have to thank you for pretending to taking care." I tell him. "You can stop too, sa pagproprotekta sa akin kay Jacob. I'm Courtney Beatrice. I don't need protection right?"

At hindi rin siya pumasok ngayong araw.

Kailangan kong ayusin ang lahat. Hindi niya naintindihan ang sinabi ko, at nasasaktan akong maalala kung paano niya naintindihan na pagpapanggap lang ang pagtingin ko sa kanya.

Totoo ang sinabi ko kay Tita Carla noon.

"I apologize, but this relationship is actually two years in the making, I just couldn't let her get away. Not anymore."

Beatrice seemed surprised, but it's all the truth.

Matagal ko na siyang mahal pero alam kong hindi ako lalaban kung si Jake ang karelasyon niya. Nang malaman kong wala naman silang ganoong relasyon, I had to do something for her to know what I felt.

Masasabi mong ti-nake advantage ko ang sitwasyon and I fully intended to co urt her pero nangyari ang lahat.

My brother found out, my family found out, her mom found out.

Natakot lang akong maging mabilis ang lahat sa kanya at maging unfair. She deserved better than that.

"Triny kong tawagan at textan, pero walang sumasagot. Pinatay niya ata ang phone niya." Sabi ko. "Hindi naman pwede akong magpunta sa kanila ng basta basta lalo na't bahay yun ni Gov."

A Close SecondWhere stories live. Discover now