Kilig Moments

14 3 0
                                    

Chapter 22

Kilig Moments


Hannah's POV


Tulad nga ng napagusapan namin ni Paul, sinundo niya ko sa Airport. Si Ken naman ay sinundo ni Kelvin,  nagtataka ako kung wala bang girlfriend yang si Kelvin at lagi silang magkasama ni Ken. 



Balik eskwela na kami, hay naman makikita ko nanaman yang Dianne na yan. Paglabas palang namin ni Paul sa sasakyan ay lumapit agad sakanya ang tatlong babaeng sa tingin ko ay kaklase niya.



"Ano ba naman yan Paul! Paano tayo makakakuha ng supporters kung lagi mong kasama yang babaeng yan. Jusko naman!" Parang naiistress na sabi nung isa. Nilingon naman ako ni Paul kaya nagkibit balikat lang ako.



"Mabuti pa't puntahan mo na si Dianne! Dun sa gate ah, bitbitin mo yung gamit niya at sabay kayong maglakad papunta sa classroom" Pahayag nung isa habang tinitingnan tingnan ako.




"What!? Ayoko nga. tss, ako pa kasi pinili niyo" Siniko ko naman si Paul nung sinabi  niya yun. Ito talaga hahaha.



"Sige na Paul, okay lang ako. Bye bye" Kiniss ko siya sa cheeks bago ako tuluyang umalis. Pagdating ko sa corridor ay agad naman akong sinalubong ni Ken. Hays, let me guess? Plano nanaman to nila Erika.




"How close?" Tanong ko sakanya. Naguluhan naman siya at tumingin lang sakin. "What I'm saying is, gaano dapat tayo kaclose sabi nila Erika?" I asked again.




Napa iwas naman siya ng tingin at hindi nanaman sumagot. 




"Ano namang bibitbitin ko eh hindi ka naman nagdadala ng libro?" Kumento niya nung makita niyang bag lang naman ang dala ko. Inalis ko ang bag ko at binigay sakanya.




"Ano to?" Tanong niya naman eh ang obvious na nga. "Naghahanap ka ng bibitbitin diba? O ayan" nakangiti kong sabi.




Pagdating namin sa classroom ay tilian agad ang sumalubong samin at ang pag palo ni Kelvin sa balikat ni Ken. 




"Omg. May initiative naman pala tong si Ken eh, hindi na kailangang pasunurin." Nagtaka ako sa sinabi ng isa naming kaklase. Tiningnan ko siya at napansin kong dala parin pala niya ang bag niya. So di pa siya nakakarating ng classroom? Ibigsabihin siya ang may plano nun at hindi sila.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon