Pageant War

16 3 0
                                    

Chapter 24

Pageant War



Hannah's POV

Buong araw daw kami ngayon magpapractice para sa pageant. Kumakain pala kami ngayon ni Paul at pinapabilis narin niya ako dahil baka raw malate kami. Biglang tumunog yung doorbell kaya nagtinginan naman kami kung sinong bubukas.



"Baka si Dianne yan, buksan mo na" sabi ko sakanya kasi araw araw narin namang sumasabay si Dianne samin eh.




"Baka si Ken yan, ikaw na magbukas" Sabi niya naman sakin habang nilalagay sa hugasan yung plato namin. "Pag ito si Dianne humanda ka sakin Paul" banta ko sakanya.




Binuksan ko ang pinto at agad ko namang nakita si Dianne... at sa likod niya ay si Ken.




"Paul! Andito na si Dianne" tawag ko sakanya. Ang laki naman ng ngiti ni Dianne pero halata naman sa taas palang ng kilay niya na nang aasar lang siya. Sumilip naman ako kay Ken at pinagtaasan ko siya ng kilay.




Nginuso naman niya yung kotse niyang nakapark sa kanto.




"O, andito rin pala si Ken" Gulat na pahayag ni Paul at tiningnan ako, "I didn't know" Kibit balikat ko pa.




"Sakanya ka ba sasabay?" Tanong sakin ni Paul. Naglakad na kami palabas ng bahay at nasa tapat na ko ngayon ng kotse niya. Pinatunog naman niya ito at hindi ko alam kung maiinis ba ko kasi agad na pumasok si Dianne sa front seat, o matutuwa kasi hindi na siya kinailangang pagbuksan ni Paul.




"Kung okay lang sayo. Ano?" Tanong ko sakanya. "Sige na, see you later" Nagwave siya sakin at pumasok narin sa sasakyan niya. Pumasok narin naman ako sa sasakyan ni Ken.




Si Ken kasi yung lalaking super gentleman -_- yung tipong kahit pagbukas ng pinto ng sasakyan niya para sa babae di niya magawa.




"Buong araw tayong magpapractice ngayon, so—-"




"Share man lang." Putol ko sa sinasabi niya kasi alam ko na yun. Tiningnan naman niya ko ng masama kaya tumawa lang ako.




Nagpark na siya at sakto namang sa tabi rin namin nag park si Paul. Bago ako bumaba ay nakita ko pang naunang bumaba si Paul at pinagbuksan si Dianne. Ito namang si Dianne ay ngiting ngiti.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon