Chapter 31
The War's Begun
HANNAH'S POV
"Hey, ahm. May kailangan pa kasi akong asikasuhin... So, okay lang bang umuwi ka magisa?" Yan agad ang sinabi sakin ni Paul pagkarating niya samin ni Erika. Nagpaalam na sakin si Erika na aalis siya kaya tumango nalang ako.
"Sure. So, see you later?" Sabi ko kay Paul. Kiniss niya ko sa cheeks bago tumakbo palayo. Ang totoo gusto kong tanungin siya kung ano nanaman bang aasikasuhin niya. Napapadalas na ata yan.
Naglakad na ko palabas ng school. Tumayo ako sa gilid para magabang ng masasakyan. Biglang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Si Ken... tumatawag.
Pinindot ko ang answer. Itatapat ko na sana iyon saking tenga nung biglang may pumaradang sasakyan sa tapat ko. Bigla itong bumukas at sa gulat ko ay nabitawan ko ang cellphone ko.
Hinawakan ako ng dalawang lalaki at hinila papasok.
"Sino kayo!? Tulong!! Kidnappers!" Sumigaw ako pero biglang tinakpan nung isa ang bibig ko. Kinarga nila ko papasok ng kotse. Umupo sila sa magkabilang dulo. Familiar ang mukha ng mga to ah.
Sila... yung humabol sakin nun!
"Teka! Anong kailangan niyo sakin!? Kayo rin yung humabol sakin nun eh!" Ngumisi ang nagdadrive at nilingon ako.
"Sorry, wala kang matatakbuhan ngayon." humalakhak pa siya bago paandarin ang sasakyan. Hindi ako umimik. Abala ako sa pagiisip kung paano ako makakawala ngayong wala akong cellphone, wala akong matatakbuhan at wala akong kahit anong pwedeng pang depensa.
"Saan natin to dadalhin? Kay Rex na ba diretso?" Tanong nung nasa unahan. Sino si Rex? Sandali pa ay tinabi nila ang sasakyan sa tabi ng daan. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Walang dumadaang sasakyan dito at wala rin akong nakikitang building.
Sa palagay ko ay malayo ang pupuntahan namin. Palabas na ata kami ng Siyudad.
"Sandali lang pre. Naiihi ako. Bantayan niyo yan ah" Sabi nung nagdadrive at bumaba na para magihi.
Kumuha naman ng yosi ang isa kong katabi at nilagay iyon sa bibig niya. "Pahingi nga ng lighter dyan tol" sabi niya sa nasa unahan.
Ginamit ko ang chance na iyon. Siniko ko ng malakas ang tiyan ng katabi ko at nagmadaling abutin ang lock ng pinto para makalabas. Tumakbo ako at hinabol ako nung lalaking nakaupo sa unahan.
May nakita akong paparating ng kotse kaya tinaas ko ang kamay ko at pinahinto ito. Huminto ito kaya sumakay ako duon kaagad.
"Oh my ghad. Please, drive. Kidnappers ang mga iyan." Nagmamadali kong sabi pero nagulat ako at hinintuan niya ang sasakyan na iyon. Binaba niya ang salamin.
"Mga gago! Kung di ako dumating paniguradong nakawala na to!" Teka!? Kasama niya sila? Pinihit ko ang pinto pero nilock niya naman ito agad.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...