Chapter 32
Kill Me Now
HANNAH'S POV
Nagising ako sa ingay na narinig ko. Parang nagkakagulo sa baba. Binuksan ko ang aking mga mata. Ginala ko ito sa bawat sulok ng kwartong hindi pamilyar sakin.
Mabango, ang lambot ng kama, kulay beige ang dingding at malawak. Tumayo ako at binuksan ang kurtina. Tumambad sakin ang napakagandang tanawin. Kita dito ang isang dagat. Nasaan ako?
"Why here!? She's not some special guest kuya! For goodness sake, siya ang pumatay kay dad!" Napalingon ako sa narinig kong sigaw. Galing iyon sa baba. Pinihit ko ang pinto at may sumalubong agad sakin. Yung dalawang lalaking kumuha sakin.
Nakasandal yung isa sa gilid ng pinto ko at yung isa naman ay nagsisigarilyo. Hula ko ay talagang naghihintay sila sakin dito.
"Rex! Gising na siya!" Sabi nung isa at bumaba na sila. Pababa na ko ng sinalubong ako nung Rex.
"Goodmorning, how's your sleep?" Malademonyo niyang ngiti. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang isang lalaki na nakakunot ang noo at nakatingin sakin. Isa siya dun sa humabol sakin.
"Sit down. Eat, you'll need a lot of energy" Sabi sakin ni Rex. Ano bang dahilan nila at bakit nila ako kinuha? Kung kidnapped for ransom to bakit nasa isa akong mansyon?
Hindi ako umupo at nanatili ang tingin ko sakanya.
"Don't play bullshits with me. Why am I here? What do you want?" Tanong ko sakanya. Nakita ko ang pagtikhim nung isang lalaki. Ngumisi naman si Rex.
"Just as I expected." Tumango siya at nilahad ang kamay sa lamesa. "Eat, and I'll tell you all"
Nagroll eyes ako at sinunod nalang siya, tutal nagugutom naman talaga ako dahil hindi ako nagdinner. Habang kumakain ako ay lumabas na yung dalawang nagbantay sa labas ng kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...