Start 1

56 6 0
                                    

CHAPTER 7

Start 1

"3:00 pm palang naman, and may meeting kami so ireview niyo nalang tong paper. ok?" Sabi ni Sir at inabot na kay Ken yung Paper. Wala ako?

"Isa lang yan, share nalang kayo. And one more thing, study somewhere but not here in the library. Dito kami magmemeeting. You may now go" dagdag pa ni Sir.

Lumabas na kami ng Library, sinusundan ko lang si Ken. Wala naman akong alam sa mga lugar dito sa school na tahimik, at nasa kanya din yung paper kaya susunod lang ako sakanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya. Nangunguna kasi siya maglakad. Hindi man lang ako hintayin.

"Mag-aaral"

"Huy pati naman ako ah! Share nga diba?" sagot ko sakanya at nilapitan siya. Edi mas ayos diba? Sabay na kaming naglalakad

Di na siya umiimik kaya nanahimik nalang din ako. Sinusundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa Rooftop. So dito niya balak mag-aral?

"Dito tayo mag-aaral?" Tanong ko sakanya

"Obvious ba?"

"Ok." Sagot ko tapos binagsak ang sarili ko sa sahig. Nakakapagod kaya maglakad.

"Tayo" Utos ni Ken

"Bakit?"

"Madumi dyan. Heto o" Sabi niya tapos inabutan ako ng parang banig. Wow parang picnic.

"Saan to galing?" Tanong ko sakanya. Tinuro naman niya yung parang isang room dun sa rooftop na bodega.

"Tambayan mo to?" Tanong ko sakanya. Nag nod lang siya tapos nagsimula ng magbasa nung paper. Paano naman ako? Kumuha nalang ako sa bag ko ng dala dala kong chips at kumain.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ken

"Kumakain?" Sagot ko.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon