Chapter 38
I'm Going Home
Nagcheck in kami sa isang hotel. Hindi ko na inayos ang gamit ko dahil gusto kong makausap si Rex at Ram.
"Okay ka na dyan? You need anything?" Tanong sakin ni Rex. "C'mon, linisin na natin yang tama mo" sabi pa ni Ram. Sa 3 weeks na kasama ko sila natutunan ko narin silang mahalin para ko na rin silang kapatid eh. Mabait silang dalawa, hindi lang halata.
"Ahm, Rex... I think its time. Kailangan ko na bumalik" Nagulat naman siya sa sinabi ko at agad umiling.
"Are you crazy? May tama ka pa, mahahalata ka niyan. Besides, we can still keep you." Sagot niya sakin.
"He's right, at for sure nakita nila ang buhok mo. Wag mo namang maliitin ang kalaban mo Hannah" dagdag ni Ram. Napa sigh ako. Ang hirap talaga kumbinsihin ng magkapatid na ito.
"Look, I'm okay. Hindi ko hahayaang makita ako ni Kelvin at Ken. Si Paul ang una kong pupuntahan"
"Quit that stupid love feelings Hannah." Saway sakin ni Rex. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"That's not my point. Kaya akong tulungan ni Paul na wag makita nila Ken. I love my hair, pero papuputulan ko nalang to." Sabi ko habang hinahawakan pa ang kulot sa buhok ko. Sayang naman ng buhok kong to, ang ganda pa naman.
"That's still a no for me" Pahayag ni Ram. "Rude" bulong ko at nagpout.
"Okay. But be careful." Sabi naman ni Rex. Lumiwanag naman agad ang mga mata ko sa sinabi ni Rex. Pumayag siya!

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...