CHAPTER 19
She's so dangerous
HANNAH'S POV
"Contestants please settle down to your seats. The competition is about to begin." Agad ko namang nilapitan si Ken na kanina pa kausap si Troy.
"A minute." He motioned his hand for me to wait at nagpatuloy sa kung anong sinasabi niya kay Troy. Simula nung dumating kami dito sa venue nung competition wala na siyang ibang ginawa kundi kausapin yang si Troy. Ano kayang importante pinaguusapan nila?
"Ken. We're about to start." Hindi niya ko sinagot. Nahagip naman ng mata ko si Sir at nakita ko pang tinuro niya si Ken at sunod namang tinuro ang stage. I got his message, sinasabi ni Sir na pumunta na kami sa stage.
Nilingon ko ulit si Ken. "We need to go." Hindi niya padin ako nilingon pero nakita ko namang nilingon ako panandalian ni Troy.
"Ken---" Hindi niya na ko pinatapos. "I said a minute!" Nahinto ako saglit, at parang pati siya nagulat din naman sa pagsigaw niya. Binalik niya nalang ulit ang tingin niya kay Troy at nagsalita.
"As I was saying, dont, never let them move without my..." Hindi ko naman maintindihan lahat ng pinaguusapan nila. Di ko nga alam na ganyan sila ka close para magusap ng halos isang oras.
Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita. "Ken, the competition's about to start."
Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang pakialam na madisqualify kami o talagang wala siyang pakialam na pakinggan man lang ako. Naiinis na talaga ako.
Sa sobrang inis ko nabale wala ko na kung nasan kami, sinong mga tao, at ano ang dapat na i-asal namin dito at sinigawan ko na siya.
"KEN PWEDE BA MAKINIG KA!" Hindi lang sila ni Troy ang nahinto kundi halos lahat ng mga nasa paligid.
"Kung ayaw mong makicooperate sakin, fine! Hindi mo na sana hinayaang ikaw ang isama sakin para irepresent ang school!" I lowered my voice a little.
"You know what? Ayos lang naman sakin kahit ako lang magisa lumaban dun eh! All against one, why not? Kayang kaya ko naman. EVEN WITHOUT YOU." Tinalikuran ko na sla ni Troy at naglakad papunta sa stage. Lahat ng contestant nakaupo na, kami nalang ni Ken ang wala dun. Well, ngayon si Ken nalang ang wala.
Ilang saglit pa ay naupo na din si Ken sa tabi ko. Sakto namang pagupo niya ay nagsalita na yung emcee.
"The competition is composed of three parts. Easy, average and difficult. Each round will have 10 questions to be answered. Easy round for 1 point, average for 3 points and difficult for 5 points. The 3 teams with the highest points will go to the next stage of the competition." Tiningnan ko ang mga kasama namin. Bale 20 schools kami ditong naglalaban.
"Lets start the competition. For the easy round." Kinuha na namin ni Ken ang slate. Isang slate lang meron. Magtutulungan kami para masagot ang mga tanong and right now feeling ko hindi magwowork yun. Naiinis kasi talaga ako sakanya.
Naging madali lang samin ni Ken ang pagsagot sa mga tanong sa easy round. Nakuha naman lahat without talking. WITHOUT TALKING. As in the whole round hindi kami nagcommunicate.
Palit palitan lang kami. I'll give him the slate pag tapos na ko sumagot. He'll do the same. Alam kong napansin yun ng lahat. I even caught a glimpse of Sir sighing. Alam ko na sa expression ng mukha niya sinasabi niyang matatalo kami sa ginagawa namin.
Lahat ng contestants dito naguusap ng mga partner nila. Nagtatanong kung tama ba sagot nila, kung may ibang sagot ba siya or what.
Average round na at medyo nahihirapan na ko. Medyo lang naman. Karamihan kasi dun mga science na, at alam niyo namang mahina ako sa science. Kahit pa di ako sure sa mga sinusulat ko dito sa slate di parin ako tumitingin kay Ken.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...