Chapter 30
You're Confusing Me
HANNAH'S POV
One week na simula nung umamin sakin si Ken. Awkward. Super. Hindi ko na nga siya kinakausap sa school eh, pero alam kong di yun maiiwasan dahil seatmate ko siya at kami ang madalas pinipair pag may competition.
Naiilang lang ako sakanya at hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakakausap tungkol dun. Nakwento ko naman to kay Erika pero hindi ko pa nasasabi kay Paul. Mamaya kasi trip lang ni Ken yun.
"Isusss. Eh baka naman kasi nagkakafeelings ka na rin kay Ken! O kaya naman may feelings ka na talaga sakanya di mo lang kinoconsider!" Sabi ni Erika sakin.
"Excuse me? I love Paul" mariin kong sinabi sakanya.Tumawa naman siya at umiling iling
"You sound like you're convincing yourself" Pahayag niya sakin kaya binatukan ko na. Guluhin ba naman isip ko. Uminom ako ng juice at nahagip ng mata ko si Ken at Kelvin na patungo sa direksyon namin.
"Dalian mo dyan at alis na tayo." Nagmamadaling sabi ko kay Erika habang tumatayo. Sumulyap ako isang beses pa kina Ken kaya napalingon din si Erika. Ngumisi siya at kinawayan sina Ken.
"Hi Kelvin, hi Ken!" Bwiset talaga to si Erika. Bahala nga siya dyan at iiwan ko siya. Nasa tapat na namin sina Ken kaya agad akong nagisip ng excuse para di siya harapin.
"Ay, naiihi ako Erika. Balik ka nalang sa classroom ah! Sige bye bye" sabay takbo ko papunta sa cr. Narinig ko pa siyang humalakhak at sumisigaw na laos na raw ang palusot ko.
Pumasok ako sa huling cubicle at tumayo lang dun. Para naman kunwaring totoo talaga edi magtatagal nalang din ako dito, at kung tanungin man nila bakit sobrang tagal naman edi sasabihin ko nalang na tumae ako.
Narinig kong may pumasok na mga babaeng nagtatawanan at naguusap. Wala naman sana akong balak makinig pero nakuha nila ang atensyon ko nung mabanggit nila ang pangalan ni Paul.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Подростковая литератураHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...