CHAPTER 18
Can't kill her
HANNAH'S POV
"Ang hirap naman niyan! Ikaw nalang diyan ah." Sabi ko kay Ken habang sumusubo ng chips. Nagrereview kasi kami ngayon kahit medyo gabi na. Pinapanood naman kami ni Kuya Loui at kung minsan ay tumutulong din siya pag di ko naiintindihan.
"No. You should know that too." Yan nalang talaga paulit ulit niyang sinasabi sakin pag sasabihan ko siyang may imemorize siya tapos iba din sakin. Mas madali naman kasi talaga kung hati kami ng pagaaralan eh!
" Ehhhhh. Ang dami niyan..." Humiga ako sa kama niya. Wag kayong magiisip ng kung ano ah! Sa kama niya kami nagaaral tapos si Kuya Loui nasa kama ko at nanunuod samin, minsan kinakalikot niya lang din cp niya, baka may inaasikaso. "Ang hirap pa" dugtong ko.
"Tss. Get up" Sabi sakin ni Ken habang nilalapag ang hawak niyang hand outs sa kama niya.
"Wait. 5 minutes" Sabi ko sakanya habang pinoposition pa ang kamay ko. Pahinga din pag may time diba? Lumingon ako kay Kuya at nakita ko siyang kinakalikot yung laptop ko.
"Psssst. Pakialamero ka. Wag mo nga yan pinakikialaman, may laptop ka din eh" Sigaw ko sakanya habang nakahiga padin sa kama ni Ken.
"Selfish brat. Im just looking into your pictures." Napa-pout naman ako sa sinabi niya. "Ehh. Aasarin mo nanaman ako niyan eh. Turn it off."
"Ang cute niyo dito." Sabi niya habang tinuturo at pinapaharap yung laptop sakin. Binuksan niya pala yung folder na puro pictures namin ni Paul. Napangiti ako sa picture na yun.
"When was this?" Tanong niya pa habang iniiscroll yung mga pictures. "Birthday niya..." Sagot ko naman habang umuupo.
"Where?" Tanong nanaman ni Kuya. "School... sa rooftop." Sagot naman sakanya. Nilingon ko naman si Ken na ngayon ay nakakunot na ang noo. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing 'what?'
"Your 5 minutes' up. Review na ulit tayo." Sabi niya habang winawagayway ang hand outs.
"Ok. Sige continue. Nasan na tayo? Hmmm. Chem." Sabi ko habang tinitingnan siyang iniiscan yung hand outs namin.
"The word chemistry comes from the word Alchemy----"
"Eeenk!" Putol ko sa sinasabi niya. Tama talaga yung sinasabi niya ah! May naiisip lang kasi akong kalokohan ahaha.
"What?" Nagtataka niyang tanong sakin. Medyo inayos ko pa ang expression sa mukha ko. Ginawa kong serious mode yung mukha ko para kunware hindi ako nagbibiro sa sasabihin ko,
"Mali ka naman eh." Napalingon nadin si Kuya sakin. Hih <3 Alam ko namang tama sila eh.
"Then what?" Tanong niya sakin.
"The word chemistry comes from the word you and me..." Seryoso mode padin ako. Naningkit ang mata niya hanggang sa umiwas na siya ng tingin. Hahahaha! Late niya ata bago na gets.
"Pft. Hahahaha! Joke lang." Sabi ko sakanila habang humahagalpak sa tawa.
"Okay. Enough of Science." Sabi ni Ken habang kinukuha naman yung hand outs para sa literature. Tss. Grabe talaga tong Rivera'ng to hahaha.
"Action is 'blank?' " Tanong sakin ni Ken habang tinitingnan ang hand outs. Madali nalang sakin ang literature, mahilig kasi ako sa mga books.
"Action is eloquence." Sagot ko sakanya ng may ngiti. Sinulyapan niya naman ako at nagtaas ng kilay bago nagtanong. "Quote by?"
"William Shakespeare" Nakangiti ko ulit na sagot. He's one of my favorite! Really! Ang gaganda ng poems and books niya. Nakailang tanong pa siya tungkol sa books, authors, biography nila and all at lahat naman yun nasagot ko.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...