Unexpected Confession

31 2 0
                                    

Chapter 29

Unexpected Confession



HANNAH'S POV



Kanina pa ko palakad lakad sa backstage. Sobrang kinakabahan ako. Hindi ako mapakali at kanina pa rin ako humihinga ng malalim. Paano kung matapilok ako? Paano kung mamali ako ng sasabihin? Paano kung sa talent portion makalimutan ko yung lyrics? Paano kung pumiyok ako?





"Will you please stop that?" Kanina pa rin yan sakin sinasabi ni Ken. Palibhasa kasi siya napakaconfident. Eh kasi gwapo siya, kilala na siya dito at wala naman siyang dapat problemahin.





Hindi na siya nakapagpigil at tumayo na siya. Akala ko lalabas siya pero yun pala lalapitan niya ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at pinatingin ako sakanya.




"Follow my breathing." Huminga siya at sinunod ko rin siya. Medyo nabawasan nga ang kaba ko. Ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako.





"You look so beautiful. Wag kang kakabahan." tumango ako sakanya at pumikit. Pinisil ko pa ang kamay niya bago ako tuluyang bumitaw.





"Hannah Reyes!" Tawag ng coordinator sakin. "Dumito ka na at magsisimula na!" Tumakbo ako papunta sakanya. Narinig kong nagstart ng iplay ang music na worth it. Lumabas ako at malaki ang ngiti sa mukha ko.





Medyo nawala ang kaba ko dun dahil si Paul naman ang kasama ko sumayaw at kumanta. Nung matapos yun ay nagmadali kaming magpalit ng school uniform. Isa isa kaming rumampa. Sabay kaming naglakad ni Ken papunta sa gitna ng stage at paunahan.





Sinabi namin ang pangalan namin, section at nagpose. Pagtalikod namin ay nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagsigawan ang mga tao at napatingin naman ako sakanya.




"Stop at the middle, face the judges and turn. Trust me" Sinunod ko ang sinabi niya na mas lalong nakapagpalakas ng hiyawan nila. Agad akong nagpalit ng sports wear. Sumunod ang Swim wear... kinakabahan ako.




Hindi pa ko tinatawag pero grabe na ang kaba ko. Swim wear kasi eh. Nakakahiya. Instead na mag two piece ay isang victoria secret strappy monokini ang suot ko.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon