Is this a Great day?

90 6 0
                                    

CHAPTER 3

Is this a Great day?

"Hannah Gising na" Tawag sakin ni Paul habang kumakatok. Dati si kuya gumagawa niyan ngayon si Paul na hahaha.

Ngayon na ang first day ng school namin. Di gaanong exciting kasi 4th year na kami pero nakakakaba parin kasi new student kami. Di ko alam anong magiging tingin nila dun sakin.

Bumangon na ko at naligo tapos bumaba na para magbreakfast. Dont wanna be late for school. ^_^

At dahil ideya nga ni Tita at ni Mommy na magpretend kami as couples, hatid sundo ako ni Paul, wait Am i using the right term? Haha what i mean is sabay kaming papasok at sabay uuwi. Sabay din kami magla-lunch at magre-recess.

Pagdating namin sa school agad namang bumungad saamin ang nagkukumpulang estudyante. Tinitingnan siguro nila yung sections nila.

"Ako nalang titingin ng section natin" Presinta ni Paul

Tumango naman ako at hinayan siyang makipagsiksikan  dun. Di ko rin naman kasi yun kaya baka mapano pa ko.

Nung makita ko na siyang nililibot ang mata para hanapin ako tumayo na ko sa kinauupuan ko at kumaway. Tahimik lang kaming naglalakad sa corridor.

Malaki itong school namin, maganda at napansin ko ring malawak yung bakante sa likuran nito.

Napansin kong huminto na si Paul kaya huminto na din ako. Nasa tapat kami ngayon ng isang room. Ito na ata yung classroom namin.

"Pasok ka na" sabi niya sakin habang nakangiti

"Sige tara na" Nauna naman akong maglakad pero agad din akong huminto nung hindi siya sumusunod.

"Hindi ka papasok?"

"Sa kabila pa yung room ko. Di tayo magka-klase eh hinatid lang kita dito" pagkatapos niyang sabihin iyon nagpaalam na siya at pumasok na sa kabilang room.

Pumasok na din ako sa classroom ko. Parang ewan na mga tingin ang natanggap ko. Umupo ako sa gitnang bahagi kasi may vacant seat dun. Para akong nahihilo dito, di siguro ako sanay sa atmosphere nila. Masyadong tahimik. 

Nagsitayuan naman yung lahat. Feeling ko andyan na si Sir kaya tumayo na din ako.

"Goodmorning" Bati samin ni Sir

"Goodmorning Sir" Sagot din naman namin sakanya.

Napatingin naman sakin si SIr.

"New student?" 

"Yes." sagot ko lang at nginitian siya.

"Mind introducing yourself?" Sabi ko nga di pa ko nagapakilala eh. Hahhaha eh paano kung ayaw ko magpakilala?

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon