CHAPTER 15
The Monster
HANNAH'S POV
"H-hannah?... Reyes?? As in Hannah Marie M. Reyes?" Halos di pa makapaniwalang sagot sakin ni Kelvin. Bakit kaya? Kilala niya ba ko?
"Ahm... oo nga. Bakit?" I asked him curiously. Umiwas lang siya ng tingin bago sinabing, "Wala naman. Sige, halos time na din eh. Babalik na ko sa classroom, kayo ba?"
Napatingin naman ako kay Ken. Babalik pa ba kami sa classroom or diretso na kami para sa review?
"Library ang diretso namin. Mauna ka na..." Sagot ni Ken kaya nagpaalam na samin si Kelvin. Nung makalayo na si Kelvin parang naging awkward na samin ni Ken.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Kelvin?" Pagbubukas ko ng topic sakanya. Hinarap niya naman ako at tsaka tumango. Umiinom lang siya nung softdrinks niya.
"Bakit ganun naging reaksiyon niya?" Medyo kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. Nawe-weirdan lang kasi ako. Binitawan niya agad yung kamay ko nung sinabi ko ang pangalan ko eh.
"What do you mean?" - Ken
"Nung sinabi ko sakanya pangalan ko... parang gulat na gulat siya. Tapos alam niya pa pala whole name ko... ang weird lang kasi diba?" Uminom muna ulit siya bago nagkibit balikat.
"Hindi pa ba tayo pupunta sa library?" Tanong ko ulit sakanya. Nagring na kasi yung bell at kami nalang nasa canteen. Tumingin naman siya sa watch niya bago sinabing "20 mins. more..."
Tumayo nalang din ako at bumili ng pagkain. Sandwich lang at juice ang binili ko. Half way na ko pabalik ng table namin ng magring yung cellphone ko. Paano ko ba to kukunin? Occupied na kasi ang dalawa kong kamay. Mabubuhos tong Juice ko pag kinuha ko yung cp ko.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...