Liars

22 3 0
                                    

Chapter 33

Liars




HANNAH'S POV

Nagising ako na basa parin ang mukha ko. Hindi pala ako nananaginip. I'm still in the same beige-colored room. Naaalala ko na ang lahat. Everything. Gusto kong iaccept, but I guess hindi ko pa kaya ngayon.




Bakit di to sakin sinabi ni daddy? ni mommy? ni kuya? Bakit hindi to sakin sinabi ni Paul? They lied to me. Pero ayokong paniwalaan yun. Umaasa akong maganda ang rason nila kung bakit nila yun sakin tinago.





They saved me from the disgusting world I could've lived with.




"You're awake." Boses ni Ram. Napatingin ako sakanya. Umiwas siya ng tingin sakin at tumayo. Naglakad siya papunta sa pintuan.




"Go down, if you want to. Kumain ka na ng lunch, nalipasan ka na." Anong oras na ba?




"What time is it?" Tanong ko sakanya.




"1:30" sagot niya bago tuluyang lumabas. Tumayo ako at bumaba na. Wala si Rex, asan kaya siya? Umupo ako at kumain, nagulat ako nung umupo din siya sa unahan ko at sinabayan ako sa pagkain.




"Where's Rex?" nagaalinlangan kong tanong sakanya.




"Bumalik sa camp. Kailangan niyang masiguro na walang nakakaalam kung nasan ka. Even our members..." Sagot niya sakin. Pagkatapos nun ay pareho na kaming natahimik.




"You can watch TV or do anything here, pero bawal kang gumamit ng internet at lumabas. Don't use the phone too." Tiningnan ko siya. At sa palagay niya ba ay susunod ako sakanya? I have no other reasons to stay here.




"Marami ka pang dapat malaman, and we still have a deal to make. Kung ayaw mong magkagulo, you will follow." hinarap niya sakin ang cellphone niya at nagplay dun ang video na binubugbog niya si Paul. Napatakip ako sa bibig ko at inabot ko ang cellphone niya.




Agad niya namang nilayo yun sakin. Tinitigan ko siya ng masama.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon