You hate me

37 4 0
                                    

CHAPTER 16

 You hate me

HANNAH'S POV

"Room 216 po sir." Inabot niya na din samin ni Ken yung susi nung room sa hotel. Kararating palang nga pala namin at hinihintay lang namin si Sir na dumating dito sa hotel.

"Excuse me miss? Isa lang po bang room ang nakareserve samin?" Tanong ko sakanya kasi isa lang ang sinabi niyang room at inabot na susi. Ang mga coach kasi may sariling nireserve din so hindi namin kasama si Sir. Ayaw ko namang kasama yang Ken sa isang room nuh!

"Ahm.. opo. One room lang po talaga, presidential room naman po siya at may 2 separate beds po." Sabi niya na parang may pinaparating na iba. Kung makatingin pa naman kay Ken ang lagkit. Excuse me lang ate? Hindi ko naman gustong pagsamantalahan yang Ken na yan. tss

Nagring bigla ang phone ni Ken kaya nagexcuse muna siya para sagutin yun.

"Miss? Ano mo yung kasama mo? Ang gwapo naman..." Malanding sabi sakin ni Ate nung makalayo si Ken. Napataas tuloy ako ng kilay sabay sabing, "Si Ken ba?"

"Oo, si Mr. Rivera. Grabe! Pahingi naman ng number niya! Swerte mo makakasama mo siya sa isang room" Naiirita ko sa biglang paglalanding nakikita ko dito. Hala naman, eh halatang mas matanda siya kay Ken!

"Ano tingin mo sakin ate? Hingian ng number ng mga lalaki?" Mataray kong sagot sakanya. Nawala bigla ang ngisi niya at napabaling sakin, "Ano ka niya?" Usisa niya pa...

Nahagip ng mata ko si Ken na papalapit na samin. Inirapan ko nalang yung babaeng yun at Hinablot na ang braso ni Ken papuntang elevator. Maglalandi nalang kasi sa harap ko pa? Sarap kalbuhin eh

Buti nalang at nagpahila lang sakin si Ken.

"Sabi ni Sir di na daw siya makakapunta. Bukas nalang daw ng umaga..." Sabi niya nung nakapasok na kami sa elevator. Tumango nalang ako sakanya.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon