Underestimated

21 3 0
                                    

Chapter 34

Underestimated



Ngayong araw daw ay ituturo muna nila sakin ang dapat kong malaman. Wala raw munang direct combat o kung ano pa man. Binibigay din nila sakin ngayon ang schedule na araw araw kung gagawin sa loob ng isang buwan simula bukas.




Binabasa ko palang ang schedule ko ay parang sobrang nakakapagod na.




3:30 - 6:00 am Swimming

6:15-6:45 am Breakfast

7:00 - 9:00 Gym

9:15 - 12:00 One-on-one combat (MMA)

12:15-1:00 pm Lunch

1:00-2:00 pm Basic knowledge (firearms, gadgets, knives, etc)

2:15 - 5:30 - Shooting

5:45 - 8:00 - Knive techniques and handling

8:15 - 8:45 Dinner

9:00 - 11:00 Gym

11: 15 Rest



"Kuya, don't you think masyado naman to? She only have 30 minutes for every meal? and walang break?" Reklamo ni Ram.




"We have limited time. If she wants to learn then this is the only way" Tinaasan ako ng kilay ni Rex. Tumango ako sakanya kaya ngumiti siya, "Then we're settled. Take her to the room Ram. Start her lessons" utos niya




Tumaas si Ram kaya sumunod ako sakanya. Binuksan niya ang pinto nung kwarto sa tapat ng kwarto ko. Pinapasok niya ko dun. Tumambad sakin ang napakalawak na kwarto. Mayroon itong computer sa gilid, pahaba ngunit mababang glass cabinet na sa loob ay puno ng iba't ibang kutsilyo, at ang pinaka nakamamangha... puno ito ng cabinet na may iba't ibang klase ng baril.




"Don't touch anything. Ituturo ko muna sayo ang mga pangalan at features." Panimula ni Ram. Nagsimula na siyang magpakilala sakin ng iba't ibang klase ng patalim. How will I learn to use all this stuff?





Ilang oras kaming nag aral dun, hanggang sa nagpaalam sakin si Ram na magsi cr siya saglit. Lumapit ako sa computer at ginalaw yung mouse. Nakabukas pala iyon. Nagulat ako ng bigla nalang lumabas dun ang... isang lokasyon.




Tiningnan ko ang address... sa bahay namin? Clinick ko ang naka minimize na folder at lumabas dun ang napakaraming picture ko. Matagal na nila akong sinusundan?




"Naughty girl." Narinig ko ang tikhim ni Ram. Binitawan ko agad ang mouse at humarap sakanya. "Anong nangyari sa wala kang pakikialaman dito? Tss" lumapit siya sa computer at sinara ang folder na iyon, ngunit hindi niya naman ito shinut down.

Viperous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon