Chapter 35
Bad Romance
3:00 am palang ay nakaligo na ko at nakahanda na para magswimming. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Akala ko ako na ang nauna saming tatlo yun naman pala nagkakape na yung magkapatid.
"You're early. Do you want to start now?" Tanong sakin ni Rex. Medyo masakit pa nga katawan ko sa pag gy-gym kahapon. First time ko kasi.
"Yeah. Actually akala ko tulog pa kayo." Sagot ko sakanya. Umakyat si Ram sa taas.
"Siya ang kasama mo for the whole day. Masanay ka na rin, palagi kaming maaga. I usually leave at 3:30 am, business." Tumayo siya at nilagay ang tasa niya sa kusina.
Napatingin ako kay Ram na pababa na at tinitingnan ako. Nakarashguard siya. Tinaasan niya ko ng kilay at tiningnan ang suot suot ko.
"Yan pa ang ipang swi-swimming mo?" Kunot noo niyang tanong. Umirap naman ako sa tanong niya.
"Duh? Pinatungan ko lang ng sweater at sweat pants ang pang swimming ko eh" Mukha naman kasi akong tanga kung bababa ako na nakarashguard at
bikini bottom diba?
Binatuhan niya naman ako ng sunblock at nasalo ko iyon.
"Maglagay ka na. Sunod ka sa labas" sabi niya sakin bago tuluyang lumabas. Para namang ewan to, anong akala niya sakin? masyadong maarte? Ang aga aga pa eh, as if naman iitim ako.
Hinubad ko na ang sweater at sweat pants ko at naglagay ng sunblock. Sumunod ako sakanya sa labas at nakita kong may hawak hawak siyang goggles at swimming cap.

BINABASA MO ANG
Viperous Love
Teen FictionHannah Marie Reyes. Mejai's Heiress. The girl who killed when she was 5. Paul Cortez. Supposed to be Night fury, but was deprived of it when his father betrayed Dragons. Became Hannah's fiance for they think their marriage can stop the war. Ken Riv...