Mon's POV
"WAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!"
Sigaw ng katabi ko na ikinagulat ko.
"Bakit?" Nabubwisit kong tanong. Nakatambay lang kasi kami sa food court ng mall. Eh napilitan lang naman akong samahan tong babaeng to. Hay basta. Mamaya ko na ipapaliwanag. Naiinis ako. Ayoko kasing kasama to, di ko lang talaga maiwanan. Kaya eto, di ko sya kinakausap. Nagfe-facebook lang kami pareho. Mahirap eh, sagap free wifi sa mall. HAHA.
"OMG! Yung picture ko umabot ng 100 likes! Like, OMG talaga! Nakakaiyak!"
"Anong nakakaiyak don?" Mataray kong sabi.
"Duh! Kasi pinost ko lang sya! Dapat ginawa ko na lang syang DP omygahdd sayaaaaang nakakaiyak talagaaa!" Maarte nyang sabi.
O dba nakakainis lang? Ikaw magkaron ng ganitong kasama ewan ko na lang.
Di ko na lang pinansin. Nakakairita eh. Kung di lang babae to baka nasapak ko to.
"WAAAAAAAAAAAAAAAH!" Isa pang sigaw nya.
"Ano nanaman?"
"Nilike sya ng crush ko! OMG imganadie na OMG OMG OMG!"
Shet. Ewan ko ba dito, minsan nagdududa na ko baka abnormal talaga tong hayup na to. Di naman ako magtataka kung maka 100 likes sya sa fb. Maganda naman kasi sya (sa picture). HAHA maganda din naman sya in person, pero di pang 100 likes eh. Hahahaha sama ko ba? XD
"Excuse me?"
Biglang may nagsalita sa gilid namin. Mejo mataray yung boses pero parang natural lang sa kanya yon. Sobrang dark ng labi, nakasalamin. Maiksi ang buhok, maputi. Pero teka bat ko sya dinedescribe?
"Ay. Bakit po?" Sagot ko sa kanya. May hawak syang tray ng pagkain.
"Mawalang galang na, kung di naman kayo kakain pwede bang sakin na lang yang lamesa? This is a food court, not an internet cafe. You can talk about your fb likes don sa computer shop."
Ay. Mataray nga sya.
"Eh walangy--"
Tinakpan ko agad ang bibig ng kasama ko bago pa sya makapagsalita ng tuluyan. May point naman kasi yung babae. Puno yung tao sa foodcourt, tapos kami lang yung hindi kumakain.
"Ah sige po ate aalis na lang po kami, sorry po." Tapos tumayo ako at hinila na din patayo ang kasama ko.
"Thankyou." Nakangiti at sweet nyang sabi. As in ganon? Kanina ang taray nya tas ngayon ganun na? Hay. Mga babae nga naman. Pero infareness maganda sya.
"Tara na." Sabay hila ko sa kasama ko. Tapos umupo na yung babae sa iniwanan naming place.
"Bat mo sya hinayaan? Hays!"
Di na lang ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RastgeleHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))