Chapter 19

20 4 0
                                    

Fame's POV

Ang bilis ng araw. Parang nung nakaraan lang 1st day of school. Tapos ngayon Midterms na agad.

May dumating na notice sakin, kailangan ko na magbayad ng tuition. Hays. Asan kaya si Papa? Kailangan ko sya makita pero di ko alam saang parte ng school sya naglilinis ngayon. Di naman ako pwede magtanong tanong, kasi walang nakakaalam dito na anak ako ng isang Janitor.

Ginala ko na ang buong school dahil sa paghahanap sa tatay ko. Hanggang sa napagod ako kakagala, eto, umupo muna ako sa bench malapit sa cafeteria.

Tinitignan ko ang paligid.. nang mahagip ng tingin ko si Sir Gary. Yeah. Di ko na sya tinawag na Papa Goma mula nung nalaman ko na anak nya si ate Red. Baka tarayan nanaman ako eh. Tsaka sinusubukan ko na magbago ngayon, kasi pinakinggan ko yung payo sakin ni ate Red.

So ayun nga, nakita ko si Sir Gary. Ewan ko ba, pero parang may nagsasabi sakin na sundan ko sya.

Kaya ayun. Patago ko syang sinundan. Pero parang hindi tulad ng dati na sinusundan ko sya dahil nang iistalk ako. Parang iba ngayon. Ewan ko ba.

Sinundan ko sya hanggang sa makarating sa likod ng isang naabandunang classroom. Tago na tong lugar na to at walang masyadong nagpupunta. Eh ano namang ginagawa nya dito? Nakatago lang ako sa likod ng puno at nakatingin. Para kasing may hinihintay sya.

Maya maya pa..may nakita akong paparating. Teka..si Papa yun ah!

Naisip kong magpakita pero hindi ko muna ginawa. Nakita kong nag uusap sila.

Tapos may hinugot si Sir Gary sa bulsa nya. Wallet. Tapos naglabas sya ng maraming pera at binilang ito. Tapos inabot nya kay Papa. Teka nga. Ano bang nangyayari?

Tapos nun nag usap lang sila saglit. Tapos umalis na sila pareho at naghiwalay ng daan. Si Papa naman ang sinundan ko. At nang mejo malayo na sa lugar na kung san sila nag usap, kinulbit ko na si Papa.

"Oh? Ano. Fame. Kanina ka pa ba jan sa likod ko?" Halatang gulat nyang sabi.

"Hindi Pa, nakita lang kita ngayon ngayon lang. Kanina pa kita hinahanap e." Sabi ko.

"Ah ganun ba. Oo nga pala, eto na yung pambayad mo ng matrikula. Bayaran mo na yan ng buo diretso ng Finals mo anak ha para wala na tayong iintindihin." Sabi nya.

"Ha? Ano po. San nyo nakuha tong perang to?" Tanong ko na kunwari hindi ko nakitang may naganap na abutan.

"Ano, anak. Basta, ang mahalaga ibayad mo na yan ha. Malalaman mo din ang lahat. Sa tamang panahon." Sagot ni Papa at nagmamadaling umalis. Ano ba? Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ko ah.

Red's POV

Nandito ako ngayon sa J's Coffee shop. Naalala nyo pa? Yung coffee shop kung san ko tinapunan ng kape si kumag. Hahaha.

Ang tagal naman ng palakang yon. Tawagan ko na nga.

Nilabas ko yung phone ko at idinial ang number nya.

Calling Pandesal...

Ayan na nagriring na.

Bzzt.

Nagvibrate yung phone ko. Meaning nasagot nya na.

"Hello? Hoy mokong ka kanina pa ko naghihintay dito hinayupak ka antagal mo!"

Bungad ko sa kanya.

"Ayy sorry. Hindi si Abo to. Ano pong kailangan nila?"

Babae yung sumagot. Ha? Sino to? At sinong abo?

"Ayy sorry din baka wrong number lang ako. Bye."

Tapos binaba ko na yung tawag.

Anyare? Di naman sya nagpalit ng number. Sabi nya sakin kagabi dito kami magkita sa coffee shop, at etong number ang gamit nya. Sino yung babae?

Maya maya pa..

Incoming call...
Pandesal

Sinagot ko naman.

"Hello, sorry na nga di ba, nawrong number nga lang a-"

"Huy bes." Pagputol nya sa sinasabi ko.

"Jay?" Sabi ko.

"Oo ako na to, sorry kung di ako nakasagot ng tawag mo kanina. I can't make it today pala, may lalakarin lang ako ha. Bawi ako next time promise." Sabi nya.

"Ha? Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Basta. Mamaya pag natapos agad tong lakad ko papaliwanag ko sayo ha. Gotta go bye." Nagmamadali nyang sabi. Tapos nababa na yung tawag. So, may kasama syang babae. Ok.

Ang init kasi sa labas, kaya ayoko muna umalis ng coffee shop. Tapos wala na kong klase. Kaya nilabas ko na lang yung phone ko, at nagfacebook.

Nagiiscroll ako sa newsfeed ko nang biglang..

Jay Cruz was tagged in Michaella De Guzman's photo

Pagtingin ko ng caption.

Off :') #saturdate -- with Jay Cruz

Tapos picture nila na naka yakap sa braso nya yung babae at ang ganda ng smile nila pareho ha. Ok.

Hindi ako nagseselos. Manahimik ka. Muka namang nilublob sa gluta yung babae. Maganda pa ko jan eh. Blandina lang ng konte. Maganda pa buhok ko jan kung mejo mahaba lang. Hmp. Di nga ko nagseselos sabi eh!

Nainis lang ako kaya d na ko nagfacebook. Maya maya pa may lumapit sakin na waiter.

"Mam, pinapabigay po ni Sir Abo." Tapos nag baba sya ng capuccino sa table ko na may Moon na design sa bula. Tapos isang blueberry cheesecake. Wow ha. Tapos pag ikot ko ng tasa, may sticky note.

"Sorry :(" ang nakasulat.

"Ah, okay? Thankyou." Yun na lang ang nasabi ko. Paalis na sana yung waiter nang maalala ko.

"Hey. Wait." Sabi ko. Napatigil naman sya.

"Yes mam?" Sagot ng waiter.

"Sino si Sir Abo?" Tanong ko sa waiter.

Natawa naman ng konti yung waiter.

"Mam naman, lagi nyo pong kasama si Si Sir Jay tapos hindi mo po alam na sya si Sir Abo? Hehe!" Sabi ng waiter.

Ha? Ano?

Nahalata siguro ng waiter na naguluhan ako.

"Jay Ashren Cruz po ang pangalan nya mam, sya po ang may ari ng coffee shop na to." Sabay ngiting sabi ng waiter at umalis.

Ha? Ano? Tagal ko nang patambay tambay dito at pinagsisigawan sya, tapos sya pala may ari nito? Kaya pala J's coffee shop. Bat ang stupid ko? Di ko napansin yon badtrip. Kupal yon. Di manlang sinabi sakin. Patay sakin yun mamaya.

Ay hindi. Galit pala ko sa kanya. Hmp.

Di ako nagseselos!

Naiinis lang ako. Magkaibigan kami dba? Dapat manlang sinasabi nya sakin kung may kadate sya. Lahat ng tungkol sakin sinabi ko naman sa kanya. Tapos sya ganun. Unfair dba? Ikaw kaya. Hmp. Basta! Di ako nagseselos.

Inubos ko na lang yung dinala sakin. Hmp. Makauwi na nga lang.

Di nga sabi ako nagseselos! >_< hay nako. Makauwi na nga.

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon