Gary's POV
Pahirapan nanaman umalis ng bahay. Hay. Si Lea kasi, nagbunganga nanaman. Tsk. Anyways, kawawa naman ang anak anakan ko. 1 pm usapan namin, tapos 2pm na on the way palang ako. Hahaha
Pagka-park ko ng kotse ko, dumiretso agad ako ng foodcourt to meet her.
At ayun sya, mag isang kumakain. Haha kawawang bata.
"Hi miss, pwedeng makiupo?" Biro ko sa kanya.
"Papsi!" Bati nya sakin. "Kanina pa ko naghhintay sayo." Tapos nag pout sya.
"Wag ka ngang gumanyan. Ang pula pula ng labi mo tapos asal bata ka. Di bagay sayo."
"Woah. Rude." Sabi nya tas nagtawanan kami.
"Oh. Ano nang ichichika mo saken? Bakit galit sayo si Mamsi?" Tanong nya.
"Ayun na nga. Kasi banaman, there's this girl--"
"NAMBABAE KA?!!!"
"No! Wag mo nga akong i-interrupt! Patapusin mo ko pwede?"
"Okay, go ahead." Kalmado nyang sagot.
"So, as I was saying.." pagpapatuloy ko
"There is this girl sa campus na nagkakagusto sakin."
"Like, some kind of professor din sya like you? Or staff? Cashier? Janitor? Or what? Duh may asawa ka na eh d ba nila alam yun? Tagal mo nang nagtturo dun. So nagseselos si mamsi ganon? Mygahd Papsi you're so 40s na and you still get involved in that crushy thingy. Ew." Mahaba nyang sabi.
Napa-facepalm naman ako. Sabi kasing wag ako iinterrupt eh. Mga babae nga naman talaga.
"Ayy. Sorry. Hehe sige na i'll zip my mouth na." Then she tacked her mouth in. Hay buti naman.
"So eto na nga. Di ba nga head ako ng Music Ministry ng campus. And I am coordinating all the members including musicians and choirs. May freshman na sumali. Isip bata pa sya. Mas isip bata pa sayo."
"But--"
"Oh wag ka sumabat d pa ko tapos."
"Okay. Proceed." Mataray nyang sabi.
"She calls me Papa Goma."
"Why Papa Goma? I thinks that's too childish..and corny?" She asks.
"Goma, as in Richard Gomez." I answered.
Then she laughed..hilariously. Ewan ko ba, pag dito talaga sa batang to asar talo ako lagi. Pero maraming nagsasabi non, kamuka ko daw si Goma, kaya may appeal pa din ako kahit 40s na ko.
Nung mejo kumalma na sya sa pagtawa, umentra na ko.
"Can I proceed? -_-"
"HAHAHA oh sure you can. HAHAHA"
Bahala na nga sya. Ttuloy ko na lang.
"Then ayun. Syempre ako yung nagtuturo sa kanila, and laganap yung cellphone number ko. Kasi ako yung nag ggroup message sa kanila kung kelan at saan ang practice."
"And then?" She asked.
"Then ayun. She started texting me. She even added me on facebook tapos pina-floodlikes ako. Then magmemessage sakin ng kung ano ano. Syempre I can't keep secrets sa Mamsi mo. Alam mo namang kahit di ko sabihin yun sa kanya, daig nya pa ang NBI at SOCO kaya malalaman at malalaman nya pa din yun." Mahabang sabi ko.
"And then, you entertained her?" Sabi nya.
"Yes, and yun yung mali ko. Namisinterpret nya kasi yung mga sinasabi ko like 'take care' or 'kumain ka na ba' na ginagawa ko naman sa lahat ng members ko because I really care about them. Dba kahit naman sayo eh. Pero fatherly love lang. Yung kanya iba eh. May saltik ata." Paliwanag ko.
"Bakit ano bang ginawa nya?" Tanong nya ulit.
"Nagpopost na sya sa fb ng 'Mahal na kaya ako ni Papa Goma?' And stuffs alike. Tapos nagpapasa ng gm sakin ng mga ganon. Kumbaga code name nya sakin yung Papa Goma. Syempre nababasa ng Mamsi mo. Ang utos nya sakin eh paalisin ko daw sa ministry. Well, I can't do that, di ko ugaling magpaalis. Then now, iniinsist ng Mamsi mo na pinagtatanggol ko daw yun kaya ayokong paalisin. Hays." Sabi ko.
"What an amateur being. Tsk tsk." - maria
"Yes. And sya na lang talaga ang laman ng news feed ko. Puro muka nya, post nya, and everything. Di bali sana kung may kwenta yung pinopost, eh wala naman. But partly, naaawa ako sa batang yun. Parang kulang sya sa atensyon." I said.
Hay buti na lang talaga at summer vacation na. Kaya di na muna kami magkikita.
"I have one more question." Asks the girl in front of me.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Bakit dito pa sa foodcourt?" Nakakatawa nyang tanong. Haha oo nakalimutan kong sabihin kung bakit dito kami.
"Aww yeah, kasi a while ago, nagpost yung babae sa fb na nakatambay sila dito. Ipapakita ko sana sayo kasi may ipapagawa ako. Pero mukang wala na sila dito." Misteryoso kong sagot.
"What? Ipapagawa? Ano?" Nahihiwagaan nyang tanong.
"I want you to guide her."
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
De TodoHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))