*Bzzzzzzt Bzzzzzzt*
*Bzzzzzzzt Bzzzzzzt*
Nagising ako dahil sa vibration ng phone ko.
Pagcheck ko ng clock, 7am pa lang. Sinong inangat ng impyerno ang mang gagambala sakin ng ganitong oras?! SINOOOOO?!
Kinuha ko yung phone ko.
*2 messages received*
Open.
From : Pandesal
Hoy Pula. Gumising ka na! Masyado kang maganda pag tulog. ;)
huh?
2nd message:
From : Pandesal
Gising na bes :)
WHAT THE FVCK? Ano? Bes daw? Never pa kong nagkaron ng bestfriend ko? Tangnangto feeler. Di ko nga pansinin. 10am pa pasok ko, istorbohin daw ako ng alasyete.
Pumikit ulit ako. Naglalakbay palang ulit ako pabalik ng dreamland, biglang..
*Tok Tok!*
*Tok Tok!*
Shit naman oh. Eto na eh, inaabot na ni James Reid yung kamay nya bat mo ko inistorbo?!
"Bukas yan!" Galit kong sabi.
Bumungad sa pinto ang isang lalaki.
Wait. What?!
"Sabi ko sayo gumising ka na eh." Sabi nya.
Teka. Pano sya nakarating dito? Sinong nagpapasok sa kanya dito? Sino? SINOOOOO?!
Napaupo ako sa hinihigaan ko.
"Ab.-Ano.-Tek.-Pano.-Sino.-Bak.-Ha.-An.-" Ano ano bat ako nauutal?!
"Bago ka mautal, pwede magTshirt ka muna?"
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Naka-bra nga lang pala ko pag natutulog T_______T
"LUMABAS KAAA! LABAS! LABAAAAAAAAAAS!!!" Sigaw ko.
Tumawa naman sya. At lumabas ng pinto pero bumungad ulit.
"Ano ba yan, kahit natutulog ka nakalipstick ka pa din. At kakulay pa ng bra mo ah." Then he winked.
"LABAAAAAAAAAAAAAAS!!!" Sigaw ko ulit.
"HAHA ETO NA! Baba ka agad Bes ha ;)" Sabi nya tapos umalis na.
Ano bang topak nya?! Anong nangyayare?! Nagpagkakaisahan ako ng mundoooo!
Ganon. Mundo agad? OA ko don. HAHA.
Pag alis nya, tumayo agad ako at pumunta sa CR ng kwarto ko. Maghihilamos sana ko pero pagtingin ko sa salamin...
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!"
Naghilamos agad akong maigi to erase all the red and black marks on my face. May nagsabutahe saken T_T Namumula na yung pisngi ko kakakusot para matanggal. T__T
Nagpatong ako ng plain white shirt at nakaboxer shorts, bumaba na ako. Pagbaba ko, nagulat ako sa nakita ko. Kasama nyang kumakain ng breakfast ang tita ko. Teka. Anong nangyayari?!
"Anong ginagawa mo dito?!" Bungad ko sa kanya.
"Oh Red, gising ka na pala. Hindi mo naman sinabi samin na may best friend ka pala. Wala naman kaming nababalitaang kaibigan mo eh. Kanina pa sya dito mga 6am, gusto ka daw nya pagluto ng breakfast kasi stressed ka daw sa first day mo." Sagot ng tita ko.
Tumaas ang kilay ko at tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya. Yung ngiting pang asar. >_
"Nagluto sya ng pancakes para sayo. Pagtapos nya nga magluto sabi ko akyatin ka nya eh. Di ka naman kako naglalock ng pinto. Umakyat sya kanina, pero mukang masarap daw ang tulog mo kaya hihintayin ka na lang daw nya magising. Eh 7 na, ayoko naman maghintay si Pogi dito. Kaya pinaakyat ko na lang ulit sya." Patuloy pa ni tita.
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))