Chapter 14

27 3 0
                                    

Fame's POV

"HOY GUMISING KA NA. MAGLUTO KA NA NG AGAHAN. BATUGAN KA TALAGA!"

Sigaw sakin ng Nanay ko habang nakatayo sya sa may pintuan ng kwarto.

"Mae ano ba, agang aga nagbubunganga ka nanaman. Wag mo na pag initan si Fame, ako nang magluluto ng agahan." Sabi ni tatay na nasa may bandang kusina. Naririnig ko lang, nakataklob kasi ako ng kumot.

*sobs*

"Oh. Ano? Ang aga aga inaartehan mo ko? Anong iniiyak mo jan? Magpapaawa ka nanaman sa tatay mo?" Patuloy nyang dada.

*sobs*

"Mae ano ba" sabat ni tatay.

"Kaya ganyan yan eh! Kasi kinakampihan mo ng kinakampihan! Lumalaking batugan. HOY BABAE! MARAMI KA PANG LABADA TUMAYO KA NA JAN!" Sabi nya.

"Mae tigi.-" natigilan si tatay nang bigla akong umupo sa hinihigaan ko at nagbigay ng matalas na tingin sa madrasta ko.

"Aba at ano, lalaban ka na?" Pahamon nyang sabi. Hindi ko na ata kaya. Hindi naman ganito ang buhay ko dati sa Nanay ko. Mula nung namatay sya at pinalitan sya ni Tatay, naging ganito na. Hindi ko naman alam na balak pala kong gawing katulong ng madrasta ko, kasi nung una ang bait bait nya.

Napatingin ako sa tatay ko na nasa likod ng madrasta ko at umiiling na sinesenyasan akong wag akong lalaban.

Bumalik ang tingin ko sa Madrasta ko.

"Hindi po." Mahinahon kong sabi.

"Yun naman pala eh! Bumangon ka na jan!"

"Opo." Sagot ko. Bumangon ako at niligpit ang hinigan ko.

Minsan naiisip ko parang nakakasawa na yung ganitong buhay. Yung tipong hindi ko alam kung ano nagawa ko, bakit nagkakaganito yung mga nangyayari sa buhay ko. Sa lahat ng to, wala, social net lang ang kaibigan ko. Free fb pa nga gamit ko eh kaya pinagttyagaan ko kahit mejo mabagal.

Nakatira kami sa iskwater. Wala sa mga kaibigan ko ang nakakaalam kasi wala naman akong kaibigan. Ay hindi, meron pala mga peke nga lang. Yung tipong lalapit lang pag may pabor na ipapagawa.

Nakapag aral ako sa isang mamahaling university dahil kay Tatay. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Janitor si tatay sa school. Nung magkacollege na ko, hindi na dapat ako mag aaral pero sabi ni tatay sige lang daw at sya ang bahala. Ang alam ko meron syang kaibigan na nagsusustento sakin. Hindi ko talaga alam. Yung tipong minsan mapapaisip ako, sino ba yun? Bakit nya ko sinusustentuhan? At bakit ayaw syang ipakilala sakin ni Tatay?

Walang nakakaalam sa school ng kahit na ano tungkol sakin. Puro sosyalin kasi sila. Ang hirap makisabay.. may mga konyo, may mga english speaking, may mga may kotse, may sariling negosyo, at kung ano ano pa. Alam ko namang hindi ko talaga sila masasabayan kasi mahirap lang ako. Lahat ng nakalagay na info sa mga social net account ko, peke. Wala din namang may paki eh.

2nd year college na ko, Tourism. Aware naman ako na ayaw sakin ng mga kaklase ko. Siguro kasi hindi ko sila kayang sabayan at sakyan sa mga inglisan nila? Ewan ko. Kaya nga sumali ako sa music ministry para dun na lang makapang hagilap ng kaibigan. Tapos andun pa si Sir Gary na super sweet and caring. Hihi. Okay landi ko don.

Lumabas na ko ng kwarto at lumapit kay Tatay.

"Tay.." sabi ko.

"Oh. Luto na ang agahan. Kumain ka na, habang nasa labas si Mae tapos pumasok ka na ng diretso. Mamaya pa ang duty ko sa school." Sabi ni Tatay.

"Tay kailangan ko po ng pambili ng libro." Nag aalinlangan kong sabi.

"Ah ganon ba. Oh sige akong bahala nak magkano ba ang kailangan mo?"

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon