Chapter 17

23 4 0
                                    

Jay's POV

Walangyang yon. Akala ko naman susuyuin ako. Tapos biglang umalis ulit? Grabe lang talaga. Wala naman akong mapapala dito eh ano ba tong ginagawa ko?

Ini-start ko na yung kotse ko. Pero bago ako maka andar, nakita ko syang lumabas ulit ng pintuan na may dalang comforter at unan. Ano daw?

Lumapit sya at binuksan yung pintuan ng kotse sa likod. Nilagay nya dun yung mga dala nya. Tapos binuksan nya yung tabi ng driver's seat at dun umupo. Pinag gagawa nito?

"Andar." Mala-commander nyang utos. Di pa ba ko masasanay?

Umandar naman ako.

"Kanan jan sa kanto." Utos nya ulit. Sunod naman ako.

"Kanan ulit." Isa pang utos nya.

"Kaliwa. Tapos diretso lang." Poker face nyang utos. Hay grabe kung di lang babae to eh.

"Itigil mo jan sa may bench." Sabi nya ulit. Tinigil ko naman. Ako na ang ulirang driver di ba.

Lumabas kami ng kotse. Nandito kami ngayon sa parang park, mejo malayo sa tinitirhan namin. Maganda yung view, tapos green ang paligid kasi puro halaman at damo. Magaganda yung mga bulaklak, tapos may mga bench na pwedeng tambayan. Ano naman ang gagawin namin dito ng 7:45 ng gabi? -_-

Nilabas nya yung mga dala nyang comforter at unan galing sa likod ng kotse tapos nilatag nya yun sa may damuhan sa likod ng bench.

Aba at ready pala talaga. Pagkaopen nya ng comforter may nakabalot na coke in cans at konting chips. Ayus.

Inayos nya yung nilatag nya sabay umupo.

"Ano, hahayaan mo lang akong mag isa dito?" Mataray nyang sabi sakin.

Lumapit naman ako at umupo sa tabi nya. Kumuha sya ng coke sa kabilang gilid nya at pinasa sakin.

"Si Grey. Ex ko sya." Out of nowhere nyang sabi. Muntik ko naman maisabog yung iniinom ko. Inaasahan ko na naman na ex nya yun. Pero di ko inaasahang ioopen nya sakin ngayon.

Nilunok ko muna yung iniinom ko tapos tumingin ako sa kanya. Napatingin din sya. Napakunot yung kilay ko at umiling ng slight para sabihin sa kanya na okay lang kahit di nya muna sabihin. Pero ngumiti lang sya na at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi talaga ako ganito dati. Ang dami kong kaibigan, at lahat ng tao napakikitunguhan ko ng maganda. 2 years kami tumagal non ni Grey, pero nagbago ang lahat matapos namin maka-graduate ng High School." Nag pause sya tapos uminom ng coke.

I can feel her pain. Alam kong sa susunod na sasabihin nya, masakit na karanasan nya ang nilalaman. Hinayaan ko lang sya magsalita.

"Kasama ko ang best friend.. EX bestfriend ko nung gabi pagkatapos ng graduation namin. Andun kami sa bahay nya at nagcecelebrate. Naglalaro kami ng xbox nun, naalala ko. Tapos bigla syang parang nasuka, tumayo sya tapos tumakbo sa kusina nila. Syempre sinundan ko sya. Inalalayan ko pa sya. Tapos tinanong ko sya kung anong nangyayari sa kanya. Okay lang daw sya, wala lang daw yun marami lang daw syang nakain gwa nung kainan after grad. Kaya pinasawalang bahala ko na yun at bumalik kami sa paglalaro." Pause ulit sya, tapos uminom ulit.

"Kinabukasan nun, kasama ko naman si Grey. Nandun kami sa bahay nya with his family para kami naman ang magcelebrate ng graduation. Andun lang kami sa may garden nila, tapos biglang may nag doorbell. Pagbukas ng kasambahay nila, sabi si Grey daw ang hinahanap. Kaya lumapit sya. Eh yung gate nila, malapit lang sa garden. Sinundan ko sya nun. Tapos nakita ko may parang may edad nang babae na sinasampal sampal sya. Kaya tumakbo ako papalapit sa kanya." And now tears are dropping. Nagsa-sob sya habang nagkkwento. Ayoko syang makitang ganito, pero if this is a way para mabawasan yung dinadala nya, makikinig ako. Tinignan ko lang sya.

"'Walangya ka! Panindigan mo ang anak ko! Wala kang modo! Bubuntisin mo tapos iiwanan mo lang? Best friend pa ng girl friend mo. Anong klase kang tao?' -- Yan ang mga naabutan kong salita. Pag tingin ko kung sino yun, si Tita Maritess, ang mama ng best friend ko. Tapos Si Kylie, which is my ex best friend, nakatayo sa likod ng mama nya at pinipigilan ito. Halata sa mukha nila ang gulat nang makita na andun ako. Akala siguro nila si Grey lang ang tao dun kasi peaceful at tahimik ang bahay nila." Natigilan ulit sya, kumuha ng tissue at nagpahid ng luha.

"Sumunod yung parents ni Grey to know what's happening kasi mejo malakas ang pagwawala ni Tita Maritess. Alam mo nung time na yon, gusto ko na lang lumubog sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Para bang pinamukha lang sakin ng sitwasyon na wala akong kwentang girlfriend kasi hindi ko alam na may buntisan na palang naganap between my boyfriend and my bestfriend. Napatingin ako sa kanilang lahat ng mangiyak ngiyak. I can explain daw sabi ng kupal na bestfriend. Tangina anong sasabihin nya? Pakalat kalat lang yung tit* ng boyfriend ko tapos nabangga yung kanya tas buntis na sya? F*ck." Sarcastic nyang sabi. Kita mo nga naman. Umiiyak na't lahat nagawa pang magloko.

"Tumakbo na ko palabas at tuluyang umiyak. Sinubukan akong habulin ni Grey pero tuloy tuloy akong tumakbo at di nya na ko hinabol. Mula nung araw na yon hindi na ko nagpakita sa kanilang lahat. Nagpalit ako ng number, at blocked silang lahat sa facebook and social accounts ko. Actuually mula pa lang nung maging kami ni Grey, alam ko nang gusto sya ng bestfriend ko. Pero pinagkatiwalaan ko sya. At di ko inasahang mangyayari to." Sabi nya. Now I know.

"Eh yung sa buhok, yung ano. Kay Richie. Ano. Yung." Nauutal kong sabi.

"Oo, si Richie naman 2years ko nang hair stylist. Hindi ako nagpapahaba ng buhok. Yun ang simbolo ng galit ko sa kanya. Hangga't hindi ako nagpapahaba katulad ng dati, hanggat ganito kapula ang labi ko, ibig sabihin hindi ko pa sila pinapatawad." Ah, kaya pala ang haba ng buhok nya dun sa graduation picture nya. Mula college lang pala sya nagkaganito.

"Eh, bakit pula?" Curious kong tanong.

"Sabi nya kasi sakin dati, masyado daw matapang sa kanya ang kulay na pula. Kaya pag bumibili ako ng lipstick, laging light colors lang. Kasi syempre boyfriend ko sya, gusto ko maganda ako sa paniningin nya. Kaya kung ano yung maganda para sa kanya, ginagawa ko. Ayaw nyang nagppula ako na lipstick. One time na ginawa ko yun, pinabura nya pa sakin. Kaya nung naghiwalay kami, ginusto kong magmukhang matapang. Ganito ang ginawa ko sa sarili ko." Paliwanag nya. No doubt, mukha naman syang matapang talaga.

"And look at the coincident. Red pa ang pangalan ko. And I learned to love the color. Kaya pinanindigan ko na. Dba parang destiny lang kami nung Red?" Tapos tumawa sya ng konti.

"Eh. Ano. Di ka pa ba nakakamove on? Mahal mo pa ba sya?" Tinapangan ko na kahit alam kong 70% eh tatarayan nya ko pag tinanong ko.

"Iba yung nagmu-move on sa pagmamahal, at nagmu-move on sa galit." Sabi nya. Yes. Lumaganap ang 30%. Di sya nagtaray.

"So nasan ka dun?" Tanong ko ulit.

"Yung pagmamahal ko sa kanya, natabunan lahat ng galit mula nung nangyari yon. Kaya ko nga to ginawa sa sarili ko dba, kaya gusto kong magmukhang matapang. Kasi galit ako. Kahit sinong galit na tao ayaw magmukhang nakakaawa sila." Sabi nya. Well, may point naman sya.

"Eh, anong gagawin mo kung sakaling magkita ulit kayo?" Tanong ko pa.

"Hindi ko alam. Hindi pa ko handa." Sabi nya sabay humiga na sa unan na nilatag nya.

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon