Red's POV
After nung Music Session, tinawag ako ni Papsi.
"I have something to give you." Sabi nya.
"What is that?"
Then he gave me a piece of paper with a cellphone number.
"Anong gagawin ko dito? Tanong ko.
"May tumawag sakin kanina, yang number na yan. Nasa kanya daw ang Registration Form mo. Di ko naman alam na ako pala ang nilagay mong guardian sa Reg Form at number ko pa ang nilagay mo. Pinasa ko din sa kanya ang number mo. Paunahan kayo magtext."
Tapos bumeso na sya sakin. Putek Reg. form ko T_T di ko alam susunod kong subject at room pag wala yon. T_T pano kaya? San nawala? Hays! Maitext na nga.
Huhugutin ko na sana yung phone ko in my pocket pero may lumapit sakin. Yung Fame. Eto ata yung sinasabi ni Papsi eh. Well, may itsura nga naman sya. Mahaba ang buhok, morena. Mejo matangkad. Pero hindi mukang 100 likes. Duh.
"Hi!" Sabay nya. Tinitigan ko lang sya ng nakataas ang kilay.
"I'm Fame. Ang ganda ng lips mo." She smilednqt nilahad ang kamay nya.
"Red." Maiksing sagot ko. Tas nakipag handshake na din ako. Pinuri nya naman lips ko eh. Haha. Pero nilayasan ko din agad.
"Anong brand ng lipstick mo?" Tanong nya.
"Mac" maiksi kong sagot.
"Ah talaga. Nagmamadali ka ba? Coffee tayo."
"Maybe next time." Nakukulitan na ko dito ah. Bilisan ko nga ang lakad.
Halatang hinihingal na sya kakahabol saken. Ano bang pakay neto?
"Hindi mo ba ko naaalala?" Sabi nya.
"Nah."
"Sa foodcourt. Yung pinaalis mo."
Then tumigil ako.
"Oh really. Small world. Now, can I go ahead without you?" I'm pissed. Kanina ko pa gusto dukutin yung phone ko para matext na yung may hawak ng reg form ko eh.
Naglakad ako ng ilang steps and when I realized that she's not following anymore, nagstop ako to get my phone then walked again.
To: 0917*******
Hi, I heard that you had my registration form. Where can I meet you to get my thing? I need that.
*Message Sent*
Naglalakad na ko papuntang Parking lot then nagvibrate yung phone ko.
From: 0917******
J's Coffee Shop. Malapit lang yun sa school. See you. :)
Then i entered my car at pinuntahan ang coffee shop na yon.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ngayon lang ako nakarating sa shop na to. Sabagay, bago lang naman talaga ko sa lugar na to.
I entered the shop. Maganda sya. Baroque Style and elegant yung dating. Ay. Teka. Kailangan ko pala tawagan yung may hawak ng form ko.
Umorder muna ko ng coffee. Then nung ida-dial ko na yung number, napalingon ako sa isang couch sa coffee shop. Natigilan ako kasi andun yung kaklase ko sa History na sinungitan ko kanina. Anong ginagawa nya dito?
Ngumiti sya sakin at kumaway. Di ko sya pinansin. Tumayo sya at papalapit sakin. Oo na pogi na sya! Ayoko na ulit matulala. Kaya.. iwas, Red. Iwas. Iwas. Naalala ko yung idadial ko.
Lumapit yung waiter at dinala sakin yung kape. After malapag nung kape, nagdial na ko ng number. Ayan na.. nagriRing na.
"Hi" Sabi nya saken.
"Bat ka nandito? Stay away from me."
"Nah, I just want to--"
"Go away!" Tapos binuhos ko sa kanya yung kape.
SHIT.
WHAT. HAVE. I. DONE?
Ano ba kasing espiritu ng kasupladahan ang sumapi sakin para gawin to?! Gwapo naman sya, Hunk, Mabait, ano ba Hard to get ba ko?!
Halatang nagulat sya. At natahimik kami. Lumapit yung guard
"Sir, okay ka lang sir?" Sabi nung guard.
Nag nod sya.
Tapos may lumapit na isang waitress.
"Sir, gusto nyo po bang padalhan ko na kayo ng pamalit?"
"No, it's okay. You can go. Don't mind me, I can handle this." Sagot nya. Mukang galit sya. Teka ano bang nangyayari?
Nagkatitigan kaming dalawa.
Silence..
*Phone Rings*
Kinuha nya sa bulsa yung nagriring nyang Phone. Then ini-swipe nya. Tapos naalala ko yung dinial kong number. Nasagot na pala kaya kahit kaharap ko sya, kinausap ko yung nasa phone kasi mas kailangan ko yung reg form ko. T_T
"Hello?"
"Hello."
"Helloo." Walang sumasagot sa kabilang linya. Hanggang sa nilagay nya sa tenga nya yung phone nya at habang nakatitig sakin, nagsalita sya.
"Hello."
I. AM. DEAD.
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))