Chapter 15

30 4 0
                                    

"Tissue?" Tapos inabot ko sa kanya. Kamay nya lang kasi ang pinang papahid nya.

Napatingin sya sakin at parang gulat. Kinuha nya yung tissue. Pumilas tapos pinunas sa mukha at kamay nyang basa.

Umupo ako sa tabi nya. Pagkaupo ko, umupo si Jay sa kabila. Bali nasa gitna namin sya.

Pinatong ko yung bag ko sa lap ko then pinatong ko yung kamay ko sa bag.

"Kasalanan ko ba?" Diretso kong tanong.

Hindi sya sumagot.

"I was just.-"

"Hindi ate Red." Pagputol nya sakin. Tapos nag sob sya.

Hindi naman pala eh tara layasan na natin to. Hahaha joke.

"Then what?" Mataray kong tanong. Si kumag naman nakatingin lang samin.

"Pakiramdam ko kasi, ayaw ng lahat sakin. Bakit ganon? Oo sige mahina ako. Boba ako. Boba na kasi di ako makasabay sa englisan nila e. Oo sige papansin na ko. Pero hindi naman ako masamang tao." Sabi nya habang umiiyak.

Kawawang bata.

"Ginagawa ko naman ang lahat para magkaron ng kaibigan eh. Ano bang masama sa ginagawa ko?" Umiiyak pa din sya.

"You know.." magsasalita pa lang ako tapos nagkatinginan kami ni Jay. Tapos umiling sya.

"Alam mo.." oh ayan binago ko na.

"Kailangan mong tanggapin na ganyan ang mundo. May mga taong mamahalin ka, may mga hindi ka magugustuhan. Lahat ng katangian may katumbas na kabaligtaran nito. Pero para sakin, hindi mo kailangan hanapin yung mga taong yun eh. Hindi mo kailangan maghanap ng kaibigan. Kasi pag inunahan mo ang pagkakataon, magkakamali ka talaga. Darating at darating yung oras, na sa gitna ng paghihintay mo.."

Nagkatinginan kami ni Jay.

"May darating at may darating at yun ang maituturing mong totoo." Pagpapatuloy ni Jay at nagkangitian kami.

Mejo kumalma naman si Fame sa pag iyak.

"Mukha ba talaga 'kong mahirap pakitunguhan?" Sabi ni Fame. Tumingin sya sakin.

"Gusto mo bang prangkahin kita?" Sabi ko sa kanya.

Yumuko sya.

"Alam ko namang gagawin mo yan kahit humindi ako eh." Tapos naiiyak nanaman sya.

"Sa tingin ko hindi ka naman mahirap pakitunguhan." Sabi ko.

Napatingala sya at naenlighten ng konti ang mukang napatingin sakin.

"Nakakainis ka lang talaga minsan kasi ang childish mo. Pati mga kilos mo napaka childish din. Nakakairita ka minsan." Sabi ko sa kanya.

"College ka na. Maiintindihan kita kung freshman ka na hindi makamove on sa high school. Pero isang taon na ang nakalipas. Pangalawang taon mo na sa kolehiyo. Be mature. Act mature. Kung ayaw nila sayo, hindi mo obligasyon na suyuin sila para magustuhan ka. Be yourself. But do it without pleasing anyone." Pagpapatuloy ko.

Tumayo na ko. Tumayo din si Jay. Maglalakad na sana ko pero nagulat ako nang yumakap sya sa likod ko.

"Thankyou ate Red." Nararamdaman ko yung luha nya sa balikat ko. I tapped her arms softly na nakapalibot sa tyan ko. Nakangiti naman sakin si Jay. I smiled back.

Kumalas sya sa pagkakayakap nya.

"Mag ayos ka na. Baka may pasok ka pa. Start the change." I smiled and winked at her. Naglakad na kami and she waved for goodbye. Tinaas ko lang yung right hand ko saglit as a sign of goodbye na din.

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon